Confirmed! Kris Aquino, Muling Pumapag-Ibig!....

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Jerome

 




Compirmado Queen of all media na si Kris Aquino muling pumapag-ibig, matatandaang matagal-tagal na din na pinag-uusapan sa social media ang relasyon na mayroon sina Kris Aquino at Batangas Vice Gov. Mark Leviste.


Matapos nga na magsilabasan ang napaka raming storya ng panibagong pag-ibig ngayon ni Kris, na tila ba may namumuong pag-iibigan sa dalawa.


Sa pinakabagong ibinahanging post nga ngayon ni Kris ay tila ba umamin na ang actress sa totoong estado ng relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.


Sa post nga ni Kris nitong Huwebes May 18, 2023, ay isa-isang pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga doctor, kapatid, mga malalapit na kaibigan at ang kanyang mga anak.


Isa nga din sa pinasalamatan ng actress Tv host, ay si Batangas Vice Gov. Mark Leviste.


Saad niya sa kanyang post, "I've been so unfair in not thanking you enough for all your effort to be here whenever I need you, for all the times my past has made me so jaded that I keep breaking up with you all"


"Because I didn't believe a long distance relationship stood a chance because of your job obligations, and because I need at least 2 cycles of 9 months each before I can hope to reach remission."


Kasunod naman nito ang paghingi ni Kris ng sorry kay Mark, dahil daw umano sa ginawa ng ibang tao rito.


Aniya, "Mark I'm sorry for punishing you for what others have done to me. You are 100% correct your not them. Contrary to what others may think it's either you or Bimb taking all the pictures."


"Thankyou for agreeing my request to not post and keep our new relationship private. We are proof that love comes when you least expect it."


Dagdag pa niya, "Thank you for your 12 years of perserverance. What ever God decides for us, let's please end up bestfriends for the rest of our life?'


Samantala sinagot naman ito ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste ng "100% at isang heart emoji."


Maraming mga netizens naman ang naging masaya para kay Kris at sa bago nitong pag-ibig.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo