Cybertheft Sa Gcash Nakakuha Ng Mahigit 37 Million

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usapin online at pinagmulan ng mga pangamba ang napapabalitang pagrereklamo ng ilang mga Gcash user na bigla na lamang nawala ang kanilang pera sa nasabing online payment app.


Makikita naman sa mga transaction history ang pagtransfer ng pera sa AUB bank. Subalit ang nasabing transaction ay hindi alam ng may-ari ng mga account at hindi rin umano sila nakatanggap ng security alert mula sa Gcash.


Matatandaan na noong May 8 hanggang May 9 ay hindi nabubuksan ang Gcash app matapos ang mga reklamo mula sa mga user na nawalan ng pera.


Iniimbestigahan na rin umano ng mga otoridad ang nangyaring ito at kung may nakapasok nga bang hacker sa system ng Gcash.


Ayon sa mga naunang imbistigasyon, nasa mahigit 37 million na umano ang kabuuang pera na nakuha ng hindi kilalang account mula sa mga maliliit na transaction mula sa mga Gcash users. May dalawang bank accounts umano na siyang nakakatanggap ng mga kahina-hinalang transakyon.


Gayunpaman, naglabas na ng official statement ang Gcash at ipinagdiinang secure at safe pa rin ang kanilang online payment application.


Ipinagdiinan naman ng isang official ng Globe na walang hacking na naganap.


Ayon pa rito napigilan nila ang binabalak ng masasamang loob ng ma-detect ng kanilang system na may kahina-hinalang transaction pattern na nagaganap ilang mga accounts papunta sa iisang bank account.


“This was averted by GCash, which immediately put a hold order on the transfers once the pattern was detected,” saad ng Globe official.


“We wish to reiterate that our customers did not lose their funds on GCash. Rest assured, your funds are intact, safe and secure with GCash,” saad ng Globe sa isang advisory.


Muli, iginiit nilang walang hacking na naganap matapos ang kanilang scheduled maintenance.


Subalit, ayon sa aming nakalap na impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang source na umabot sa 9 million ang mga fund transfer mula sa Gcash papunta sa iisang Asia United Bank account.


Ayon naman sa inilabas na official statement ng Asia United Bank sinabi nilang na hold nila ang 7 million matapos maabisuhan ng Gcash subalit ang 2 million ay na withdraw na ng mga scammers.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo