Direk Darryl Yap, Pasimpleng Nag-aabang Ng Update Sa Jason-Moira Issue

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng mensahe ang controversial director na si Direk Darryl Yap sa lyricist/composer na si Lolito Go, kasunod ng kanyang mga isiniwalat patungkol sa naging hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Ayon sa pagsisiwalat ni Lolito Go, sinungaling na tao si Moira Dela Torre at nagpapavictim sa nangyari sa pagitan nila ni Jason gayung siya naman ang unang nakakita ng iba sa katauhan ng lalaking handa siyang tawaging 'Binibini'.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Lolito, nadadawit na ngayon sa isyu si Zack Tabudlo na siyang singer ng kantang Binibini.


Marami ang nag-iisip na  si Zack Tabudlo ang naging dahilan ng pagkakalabuan nina Moira at Jason Hernandez. Tinuturo rin itong dahilan sa kung bakit hindi na mabalik-balikan ni Moira ang estranged husband sa kabila ng efforts nito.


Sa isa sa kamakailang Facebook post ni Direk Darryl Yap, binanggit niya sina Lolito Go at Jason Hernandez. Ipinahayag ng direktor na ang mga kasamahan ni Moira ay dumidepensa na atv naglalabas ng mga pahayag para linisin ang pangalan ni Moira.


Kaya naman, panahon na rin upang ilabas ni Lolito at Jason ang tinatago rin nilang alas laban kay Moira.


Dagdag pa ni Darryl Yap, na kung takot ang dahilan nina Lolito at Jason kaya hindi nila mapost ang mga resibo siya na lamang ang gagawa dahil hindi siya takot na mademanda dahil marami siyang pera at lawyers.


"kung ayaw nyo naman ipost kasi baka mademanda kayo; ako, pwede ko naman ipost kasi marami naman akong pera saka magagaling ang abogado ko."


"hindi pwedeng ganito eh, pinakaayaw ko sa lahat yung di makakilos ang mga putang inang tsismosa!-hindi makausad sa mga gagawin kakahintay sa mga susunod na mangyayari."


Ipinunto pa ni Direk na naaawa umano siya sa mg marites na naghihintay ng panibagong update dahil hindi na nakakagawa ng trabaho dahil baka mahuli sa chika.


“WALA KAYONG MALASAKIT SAMIN EH! HINDI NAMIN BUHAY YAN PERO NAKIKIALAM AT NANGHIHIMASOK KAMI!— KAMI NA ITONG NAGSASAKRIPISYO!!! kahit respeto na lang!” saad ni Darryl Yap.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo