Direk Darryl Yap sinagot ang mga katanongan ng mga netizens, kung anu nga ba ang kanyang masasabi sa pelikulang Ako si Ninoy.
Sa Facebook account ni Direk Darryl Yap ay nagbahagi siya ng isang post na may naka sulat na mga katagang, "FDCP CANNES FILM FESTIVAL AKO SI NINOY"
Kalakip naman nito sa kanyang caption ang pagbabahagi ni Direk Darryl Yap sa kung anu ang kanyang masasabi sa Pelikulang Ako si Ninoy.
Pahayag niya, "Magandang Umaga po sa ating lahat"
"pambihirang dami po ng tanong at pagkuha ng reaksyon ang pumutakti sa akin; patungkol sa paglapag ng pelikulang “Ako si Ninoy” sa Marche du Film o FILM MARKET sa english, ito pong nabanggit na ito ay nakasabay sa Cannes Film Festival upang mas maging malawak ang pagpapalago sa Pandaigdigang Industriya ng Pelikula."
Dalawang Sagot ang ibibigay ni Direk Darryl Yap sa mga netizens na maraming katanongan sa kanya.
Una, para sa “Ako si Ninoy” at Pangalawa, para sa Film Development Council of the Philippines saad niya.
"Kahit sino pong Filmmaker, sa pamamagitan po ng FDCP, at kung meron kang pera pang register (3000-5000 euros or pounds, not sure)ay maaari kang dumalo— para mailako mo o maibahagi ang iyong pelikula sa mas maraming tao saan mang panig ng mundo."
"Pangit po ang pelikulang Ako si Ninoy,ang pagkakagawa, ugali ng gumawa at siya mismong gumawa—alam na po nating lahat yan."
"Subalit tayo ay isang lahing matiisin at masiyahin, pinapalampas natin ang mga biro at walang basehang yabang."
"Kung ipinalalabas man po na parang ang Cannes Film Festival po ang pumili sa pangit na pelikula, hayaan na po natin ang mumunting kaligayahan, kahit pa ito ay nagdudulot ng kilabot at pagkasuka sa mga may alam ng sistema."
"Lagi po tayong magbabasa, magsaliksik at maging kritikal pagdating sa mga taong nais tayong tangahin at idamay sa kanilang mga halusinasyon."
Dagdag pa ni Direk Darryl Yap, " NAGBAYAD PO SILA KAYA NANDOON."
"2. Ang FDCP po ay nasa ilalim ng Office of the President; bagamat may ilan pang mga nasa gobyerno ang nasa Board; impossibleng sila mismo ang sumasala nito."
"Sa panahon na binabato ang Palasyo ng bintang, paratang at akusasyon na ang nakaupo ay isang Araneta at hindi isang Marcos."
"Marapat lang na ipaliwanag ng FDCP bakit bitbit nila ang pangit na Pelikula—AT KUNG HINDI MAN, BAKIT SILA PUMAPAYAG NA PAGMUKHAING BITBIT NILA ITO."
Pagpapatuloy pa ni Direk Daryl Yap, "Linawin natin."
"Dahil sa malabo at magulong bahagi ng mga detalye ay nagsasalsal ng kasinungalingan ang mga hayok sa pagkilala, kahit ito ay hindi totoo."
"Opo, Ganito pa rin sa Industriya,Luma, pera-pera, sila-sila…Ngunit laging may pag-asa ng pagbabago. Maraming Salamat po."
Darryl Yap
writer, director
with no sex video and plastic surgery.
Ito ang kabuohang sinabi ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook page hinggil sa mga tanong sa kanyang ng mga netizens tungkol sa pellikulang "Ako si Ninoy."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!