Naglabas ng isang open letter ang dating merchant mariner sa Miss Philippines Earth matapos niyang makita ang isa sa mga contestant na nakasuot ng very revealing swimwear sa kompetisyon.
Ang nasabing contestant ay si Kerri Reilly, mula siya province Pangasinan at nirerepresent ang kanilang probinsya sa Miss Philippines Earth.
Sa naganap na kompetisyon, kaagad na nakakuha ni Kerri Reilly ang atensyon ng netizens matapos niyang magsuot ng revealing swimsuit kung saan nakikita na ang kanyang groin area.
Agad namang nakatanggap ng positive at negative comments ang outfit ni Reilly mula sa mga netizens.
May mga pumuri sa kanya sa pagiging confident habang ang iba ay pumuna naman sa kanyang pagsuot ng sobrang revealing na swimsuit.
Samantala, maging ang isang dating seaman na si Lacruiser Relativo ay napareact din sa suot ng nasabing Miss. Philippines Earth contestant.
Si Lacruiser Relativo, ay maituturing isa sa pinakasikat na Filipino seaman sa social media dahil sa kanyang open letter sa Miss Philippines Earth na kaagad na nag-viral.
Hayagan na nagtatanong siya sa mga taong nasa likod ng kompetisyon, kung bakit nila pinapayagang isuot ni Reilly ang nasabing outfit.
Dagdag pa ni Lacruiser Relativo, isa sa mga dahilan kung bakit nadudungisan ang mundo ng pageant dahil sa mga isinusuot na katulad ng swimwear ni Reilly.
“This is one of the reasons why beauty pageants are often criticized for their emphasis on physical appearance and the objectification of our women. I feel that the organization crossed the line by advocating such beauty standards.”
“No wonder there has been a growing movement to shift the focus of beauty pageants away from physical appearance and towards other qualities that are more empowering and inclusive,” dagdag pa niya.
Nagbigay pa siya ng advice para sa mga nagpapapageant na itigil na ang pagbabase sa pisikal na anyo at sa pagpopromote ng mga revealing clothes bagkus ay mag focus na lamang sa inner beauty, intelligence at talents ng mga kandidata.
“You have become hyper-focused on physical appearance by displaying too much skin to the verge of nudity. Beauty pageants, as part of our culture and tradition, has to strike a balance between celebrating physical beauty and promoting values. Not the other way around.”
Samantala, kaagad namang sinagot ng ilang mga pageant fans si Lacruiser Relativo at sinabihang ang mga kandidata ang pumili ng susuotin nila sa competition.
"It’s how you perceive beauty pageant subjectively. I bet there’s nothing wrong with the photo unless someone see it with malice. Beauty pageants nowadays transform as the standard of modernization appeals. I guess this is their way of defining art at its finest and I like the way it evolve."
"We get you sentiments sir pero you don't need to worry kasi the Girl is confident with what she's wearing, and ang mga girls mismo ang pumili ng susuotin nila, hindi sila pinilit ng Miss Philippines Earth org."
"Tsaka ang ganitong Swimsuit di naman to bago, Nicole Harlene Budol also wore a similar Swimsuit like that during her BBP stint, bat wala kang say? Or you just want to attack Miss Philippines Earth because it is an underrated beauty Pageant, Less backlash?"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!