Gloria Diaz Hindi Pabor Sa Pagtanggap Ng Ms. Universe sa Mga Babaeng May Anak Na!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang kauna-unahang Pinay na nakoronahan bilang Miss Universe noong 1969 na si Gloria Diaz hinggil sa usaping tatanggap na ang Miss Universe ng mga babaeng may anak na.


Ayon kay Gloria Diaz, hindi siya pabor sa pagpapasali sa mga ina at mga babaeng may asawa sa prestihiyusong pageant na Miss Universe.


Matatandaan, na naging usapin ang pagtanggap ng Miss Universe ngayong taong 2023 sa mga babaeng may anak at asawa na.


Nauna na rito, noong 2018, pinayagan rin ng Miss Universe Organization na sumali sa competition ang mga transgender woman.


Samantala, ayon pa kay Gloria Diaz, dapat mayroong sariling category ng kompetisyon ang mga ito.


“Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss ‘yon di ba?” saad ni Gloria Diaz.


“My personal opinion — which is not to be taken in the negative way — dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe."


“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. OK lang yon!” pagpupunto pa ni Gloria Diaz.


Gloria Maria Aspillera Diaz ay isang Filipino actress, model and beauty queen. Ipinanganak siya noong April 5, 1951.


Unang sumikat si Gloria Diaz nang mahirang at kinuronahan siya bilang Miss Universe 1969. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino na nag-uwi sa korona ng Miss Universe sa bansa.


Di-nagtagal matapos ang reign bilang Miss Universe, sumabak siya sa pag-arte sa Pilipinas. Noong 1975, siya ay isinama sa kanyang pambihirang pagganap bilang Isabel sa 'Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa'. 


Ang kanyang pagganap sa pelikula ay umano ng mga papuri mula sa mga critics.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo