GMA Network, Naglabas Na Ng Official Statement Sa Pagkalas Ng Eat Bulaga

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng official statement ang GMA Network hinggil sa nakakagulat na anunsyo ng TVJ sa kanilang show na Eat Bulaga.


Ipinahayag din ng network ang kanilang pagkalungkot dahil tuluyan na silang iniwan ng Eat Bulaga matapos ang 28 years.


Nitong Miyerkules, Mayo 31, 2023, ikinagulat ng mga tagahanga ng longest-running noontime show ang announcement ng EB main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. 


Kung saan pormal nilang isiniwalat na aalis na sila sa pamunuan ng TAPE Inc.


Kaya naman, marami ang nagtatanong ngayon kung ano na ang mangyayari sa Eat Bulaga matapos ang 44 years nitong pag-ere sa telebisyon.


Isa ring palaisipan sa mga manonood kung saan ipapalabas ang Eat Bulaga dahil aalis na ang mga host nito sa TAPE Inc.


Samantala sa isang pahayag na inilabas ng Kapuso network pagkatapos ng announcement ng TVJ, ipinunto nitong may existing contract pa sa kanila ang TAPE Inc.


Gayunpaman, nais ng GMA Network na maging maayos na ang lahat sa pagitan ng TAPE Inc. at Eat Bulaga.


“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.


"Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”


Matatandaan na ilang beses na ring naiuulat ang pagkakaroon ng internal conflicts sa pamunuan ng Eat Bulaga. Kung saan pilit umanong pinagresign ng bagong namumuna sa TAPE Inc. si Tony Tuviera.


Inalmahan ito nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon kaya naman maging sila ay pinag-iinitan na rin ng mga Jalosjos at pinipilit na umalis na rin sa Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo