Matapos ang halos apat na pong dekada ay tuloyan ng kumalas sa TAPE incorporated, tinaguriang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Marami nga ang nabigla at nagulat na mga netizens lalo na ang mga taga subaybay ng Eat Bulaga sa anunsyo ng TVJ ngayong araw, May 31, kung saan ay bago ang ginawa nilang pag-aanunsyo ay replay episode muna ang ipinalabas ng kanilang show.
Maging ang GMA executives ay nagulat din sa ginawang pag-aanunsyo ng TVJ na sila ay kakalas o tuloyan ng pagpapaalam sa TAPE incorporated.
Heto naman ang kanilang naging statements, "We are saddened by today's unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga."
"GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot."
"Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues. Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso."
Marami kasi ang nagulat na replay ang naging episode kanina ng show ng Eat Bulga.
Lalo na ng pinahayag at sinabi na nga ng TVJ na last day na nga raw nila ngayong araw sa Eat Bulaga.
Pahayag ng Tv host actor na si Vic Sotto, "Simula ngayong araw May 31, 2023 kami po ay magpapaalam na sa TAPE incorporated."
"Karangalan po namin na nakapaghatid kami ng tuwa mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo, saan man kami dalhin ng tadhana tuloy ang isanglibo't isang tuwa."
Samantala, naging palaisipan din ngayon sa mga netizen sa kung anu nalang ang mangyayari sa Eat Bulaga, dahil napabalita na din noon na kung umalis man ang Trio ay sasama din sa kanilang pag-alis ang lahat ng host ng naturang programa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!