Tila hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ng mga original host ng Eat Bulaga at ng mga bagong executive ng TAPE Inc. sa pamumuno ng mga Jalosjos.
Sa naging panayam kay Mayor Bullet Jalosjos, pinabulaanan niyang pinapaalis nila ang iconic trio ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. Pinabulaanan din niyang pilit nilang pinagreresign si Tony Tuviera na siyang producer ng show.
Subalit, sa naging panayam naman kay Tito Sotto, inalmahan niya ang pahayag ni Mayor Bullet na hindi sila tinanggal sa show dahil ayon sa kanya, iisa lamang sila ng Eat Bulaga.
Inalmahan pa niya ang pahayag ni Mayor Bullet kung saan tila lumabas umanong sila ang kaawa-awa.
Hindi rin umano siya naniniwala sa sinabi ng mga ito na nalulugi na ang show.
Kaya naman, nagbigay ng saloobin ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa maaring kahihinatnan ng Eat Bulaga sakaling hindi parin napaplantsa ang gusot nito sa pagitan ng TAPE Inc.
Matatandaan na naunang naiulat ang umano'y plano ng mga Jalosjos na palitan na ang TVJ sa show matapos ang 44 years nilang pagiging host.
"Alam mo ang nakapirma sa kontrata bilang blocktimer sa GMA 7 ay ang TAPE Inc. Sa pagkakaalm ko, ito 'yung mga Jalosjos. Kung saan si Mr. T o si Mr. Tony Tuviera ay nag-resigna na. Ganun din si Tita Malou Choa- Fagar na pinag-retire na rin. Sila ang nakakuha ng blocktime ng Eat Bulaga."
"So kung alisin man nina Tito Sen ang Eat Bulaga, 'yung title ng Eat Bulaga maaring mag-produce ng bagong show ang TAPE Inc. At yung Eat Bulaga mismo, dadalhin naman sa NET 25."
Maging ang claim kung sino nga ba ang may karapatang angkinin ang pangalang Eat Bulaga ay kailangan ring pag-usapan ng mabuti.
Matatandaan na naiulat noon na si Joey De Leon ang may right umano sa Eat Bulaga subalit tila iba naman ang naging pananaw nito ng mga Jalosjos.
"Kung mapapatunayan na si Joey De Leon o TVJ ang totoong may-ari ng titulong Eat Bulaga, posibleng makuha nila 'yung titulo at mailipat nila sa bago nilang show, ang bagong Eat Bulaga sa NET 25."
"Pero kung wala, iiwan nila 'yun. Otherwise, court battle ito," pagpapahayag ni Ogie Diaz.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!