Isang News Reporter Ng Sikat Na Tv Network Inireklamo Dahil Fake News Daw Ang Binalita?...

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Jerome

 


Isang news reporter ng isang sikat na Tv network inireklamo ng isang netizens, dahil sa Fake news daw ang ibinalita nito.


Naglabas ng sama ng loob ang isang konsehal sa Quezon City sa kanyang Facebook account na si Doray Delarmente.


Ayon sa kanyang ibinahaging post, ito ay dahil sa reporter ng GMA news na si Jamie Santos na nagbalita daw umano ng isang Fake news sa nangyaring sunog kamakailan lamang.


Kung matatandaan ay isa sa mga nakumpirmang patay at isa rin sa naging sugatan matapos masunogan, sa Brgy. Tandang Sora Quezon City.


Pahayag ni Doray, na nagluluksa raw siya ngayon, dahil sa pagkasawi ng kanyang tiyohin dahil sa nasabing insedente.


Ngunit hindi daw niya palalampasin ang ginawang pagrereport ni Jamie Santos.


Bukod nga daw sa fake news ang ibinalita ng nasabing reporter ay inilarawan din ni Doray na si Jamie ay iresponsable at insensitive.


Sa kanyang post ay ipinaliwanag kung bakit naging iresponsable at insensitive si Jamie Santos ng GMA news.


Heto naman ang kanyang naging pahayag sa kanyang Facebook post, "I am in mourning. I am sad.I am in so much pain."


"PERO HINDI KO ITO PALALAMPASIN GMA NEWS .... more particularly SAKSI & Reporter Jamie Santos!"

 

"Last May 17, 2023, my Uncle's house got burned to the crisp, and he died. Immediately after the fire, you were there and reported on the event."


 ISSUE #1 : FAKE NEWS 

Jamie Santos, you reported na "lumabas yung senior citizen, at bumalik ulit ng bahay." 


"For the record, and based on all the witnesses na kasama sa bahay ... HINDI SIYA NAKALABAS NG BAHAY. My uncle, Retired Police Brig General George Ancheta, died inside ... and HE DIDN'T HAVE A CHANCE TO GET OUT OF HIS HOUSE." 


"Your FALSE REPORTING has been causing so much pain in our family. SO. MUCH. PAIN."


 Pagpapatuloy paniya, "ISSUE # 2 : IRRESPONSIBLE JOURNALISM"

"You reported that my uncle DIED on LIVE TV .... without even confirming if alam na ng pamilya!"

 

"His wife, who just got out of the house, was standing a few feet from you ... and HINDI PA NIYA ALAM NA WALA NA ANG ASAWA NIYA. Sinisigaw niya yung pangalan ng asawa niya sa harap ng bahay."


"(Hindi mo ba iyon nakita? Sigurado ako nakita mo, kasi lahat ng miron na andoon nakita yun.) Yung 2 niyang anak na nasa abroad, hindi pa alam na patay na tatay nila."


"Yung kapatid niya, my mom, Former Councilor Tita Beth Delarmente ... nalaman lang kasi napanood ka sa news!!! 😡

Is that RESPONSIBLE JOURNALISM? ... Wala ba kayong "protocol" sa pagbabalita?"


"Hindi ba dapat ALAMIN MO MUNA kung alam na ng  kaanak ng namatay ang impormasyon, bago mo ito ibalita sa buong mundo??? Ms. Jamie Santos, wala ka bang pamilya???"


Dagdag pa niya, "ISSUE # 3: INSENSITIVITY" 

"Yung kasambahay namin na si Andrew ay nakita 2 hours after the fire dahil na trap sa likod ng bahay. Lumabas na basang basa, may mga sunog sa katawan, sunog ang damit at nagka-smoke inhalation" ....


"TAPOS BIGLA MONG ISASALANG SA LIVE INTERVIEW??? .... May trauma pa yung tao. Tuliro. Wala sa sarili. Lutang. Sa tingin mo makakakuha ka ng tamang impormasyon sa kanya?" 


"HINDI BA PWEDENG IPA MEDIC MO MUNA, IPA CHECK SA AMBULANSYA, LAGYAN NG OXYGEN BAGO MO INTERVIEWHIN?"


"Sana man lang pinag palit mo muna ng tuyong tshirt bago sinalang on air...... Nasaan ang pagmamalasakit niyo?"


"Mas importante ba na maka kuha kayo ng news kaysa sa buhay ng tao? Paano kung biglang mag collapse yun sa harap mo? ... Alam mo ba na tinakbo siya sa East Avenue Hospital pagkatapos mo interviewhin?"


"Nawalan na kami ng kapamilya ... tapos nagdagdag pa kayo sa pasakit na nararamdaman namin."


"I am airing this out because I WANT YOU TO RECTIFY YOUR MISTAKE. At sana... huwag niyo na itong uulitin sa ibang mga pamilya."

 

"(District 1, QC & Qcitizens & friends, please help me share this post  ... para makarating sa tamang kinauukulan.)"


Sa ngayon ay wala pa namang reaction o paliwanag tungkol dito ang nasabing reporter mula sa GMA news.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo