Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang pag-atras umano ni Jane De Leon sa upcoming GL series nila ni Janella Salvador.
Unang nagkasama sa iisang proyekto sina Jane De Leon at Janella Salvador sa 2022 remake series ng Darna.
Marami sa kanilang mga fans ang humirit na sana ay magkaroon din sila ng GL series at maisakatuparan ang JanElla loveteam.
Subalit, kumakalat ngayon ang isang screenshot mula sa Twitter kung saan kinumpirma mismo ni Jane De Leon na hindi na matutuloy ang kanilang proyekto na magkasama.
“Gusto ko talaga. It was a long, long story. I tried. I did my best but may mga circumstances na kailangan i-consider but I tried. Sorry talaga,” saad ni Jane De Leon.
Dagdag pa niya, “Don’t be sad. Ako naman, love ko kayo and love ko yung community. Super love na love ko ang community. Always remember na nandyan ako sa mga puso niyo. Marami pang days and years and hindi naman natin alam ang mangyayari.”
Agad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.
"they missed the big opportunity, and the management has no idea about how janenella will dominate the gl industry dito sa pinas. may fanbase na. Tapos yung fanbase magaling pa mag promote, sobrang sayang to."
"Dont let this chance slip @teamtyronneph this GL is history in the making sa Ph mainstream media and your kid's gonna star in it.
Ang dami nag-aanticipate sa follow up project nila and surprisingly positive feedback from casual viewers. Jane, Janella, and the sapphics deserve it."
"They would’ve been met with conservative criticism back home too, especially from those irritating conservative politicians etc."
Jane De Leon on why their GL project with Janella Salvador is not happening anymore
— Philippine TV & Film Updates (@phtvandfilmupd) May 18, 2023
“Gusto ko talaga. It was a long, long story. I tried. I did my best but may mga circumstances na kailangan i-consider but I tried. Sorry talaga.” pic.twitter.com/DQfvoU2zNr
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!