Joshua Garcia, Walang Pakialam Kung Magpapakasal Na Sina Julia Barreto at Gerald Anderson

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Hindi naiwasan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang ilang mga katanungan ng press sa naganap na medoa con para sa ABS-CBN-GMA-VIU Philippines collaboration film na Unbreak My Heart, patungkol hiwalayan nila noon ng Kapamilya actress na si Julia Barretto.


Tila nagulat naman si Julia ng hingan siya ng reaksyon ng press sa bali-balitang nagpaplano nang magkasal sina Julia Barretto at Gerald Anderson.


“Oh, they’re planning to get married? Hindi ko alam, bago sa akin ‘yan," nagugulat pang sagot ni Gerald.


“Ngayon ko lang narinig ‘yan,” ang pag-amin ni Joshua.


Pagpapatuloy pa ng aktor, “Pero kung saan sila masaya, support ako ru’n.”


Pagsisiwalat pa ni Joshua, matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Julia dahil pareho silang busy sa kani-kanilang respective career. Pero okay naman daw sila ng dalaga kahit noong maghiwalay sila.


Nauna nang naiulat ang pagsisiwalat ni Joshua na nais pa rin niyang maging leading lady si Julia Barretto kung magkakaroon ng pagkakataon.


Hiniling pa umano niya sa mga big bosses noon na si Julia na lamang ang ipartner sa kanya sa isang project na nahihirapan silang mamili ng babaeng ipapartner sa kanya.


“Kung meron man, siya ‘yung unang-unang pumapasok sa isip ko talaga.”


Isiniwalat naman ni Joshua na inlove siya ngayon at masaya sa estado ng kanyang puso.


“Masaya ako ngayon. In love ako sa trabaho ko ngayon, very in love.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo