Ang sikat na aktres na si Kathryn Bernardo ay idinagdag ang isa pang tagumpay sa kanyang showbiz career.
Matapos siyang ihayag bilang isa sa mga nominado sa international sa 2023, sa Seoul International Drama Awards.
Nominado ang actress sa kategoryang Outstanding Asian Stars ayon sa isang pahayag.
Kakompetensya ni Kathryn ang mga artista na mula sa South Korea, China, Thailand, Japan at Taiwan.
Maaaring bumuto ang mga fans para sa kanilang mga paboritong artista gamit ang Voting App na Idol champ simula June 15, na ayon sa mga taga organizer.
Ang 18th edition ng Seoul Drama International Awards ay gaganapin September 10, na may live viewing sa KBS2 TV sa Korea.
Matatandaang noong nakaraang taong 2022 ay personal na tinanggap ni Belle Mariano ang kanyang Award bilang Outstanding Asian Star mula sa Seoul International Drama Awards.
Si Belle Mariano ay isa sa limang pinarangalan sa buong rehiyon, na itinatag noong 2006, ay sinasabing ito ang tanging international drama festival sa South Korea na nagbibigay pansin sa iba pang drama sa buong mundo.
Si Kathryn ay naghahanda para sa magiging abala na niyang mga panahon dahil sa kanyang mga gagawing mga pilikula ngayong taon, isa na nga rito ay ang "A Very Good Girl" kasama si Dolly De Leon, at ang isang pelikula kasama ang kanyang nobyong si Daniel Padilla.
Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay ipinanganak noong Marso 26, 1996 sa Cabanatuan, Pilipinas. Ang kanyang mga magulang ay sina Luzviminda at Teodore Bernardo.
Si Kathryn Bernardo ay isang sikat na artista sa Pilipinas at tinaguriang “Asia's Superstar” ng iba't ibang media outlets, Binansagan din si Kathryn Bernardo ng People's Asia bilang Box Office Queen ng kanyang henerasyon sa pagiging nag-iisang Filipino actress na may dalawang pelikula na kumikita ng mahigit P800 milyon bawat isa.
Itinuring din siyang bilang isa sa pinaka inpluwensyang personalidad sa Asia Pacific sa larangan ng social media.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!