Muli na namang napatunayan ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Matatandaan na ang pelikula nina Kathryn Bernardo rin ang may hawak ng highest grossing film ng bansa kung saan umabot sa 800 million.
Kamakailan lamang ay muling nakatanggap ng isang achievement si Kathryn matapos mapasama sa mga nominees ng Seoul Interational Drama awards.
Nitong Lunes, inanunsyo nang isa siya sa mga nominado sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA) para sa Outstanding Asian Stars category. Ang iba pang mga artist na nominado sa kategoryang ito ay nagmula sa South Korea, China, Thailand, Japan, at Taiwan.
Ayon sa organizers, ang mga fans ay maaaring magsimulang bumoto para sa kanilang mga idols simula sa June 15. Ayon sa award-giving body, ang 18th edition ng Seoul Drama International Awards ay sa Setyembre 21, na may live broadcast sa KBS2TV ng Korea.
“Winners selected by the vote will also be invited to the ceremony to share the joy of winning the award with the general public,” pagsisiwalat pa ng mga organizers.
Nauna nang naiulat na may upcoming movies “A Very Good Girl” kasama si Dolly de Leon, directed by Petersen Vargas; “Elena 1944” directed by Olivia Lamasan; at isa pang hindi pinapangalan kung saan director si Cathy Garcia-Molina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!