Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang pinakabagong vlog ng komedyante at dating host ng Eat Bulaga na si Jimmy Santos.
Dahil sa ibinahagi niyang buhay ngayon sa bansang Canada, Kung saan ay makikita siyang nangangalakal ng mga basura.
Matatandaang isa si Jimmy Santos sa mga natanggal na host ng longest running noontime show na Eat Bulaga.
Dahil sa pandemya, na kinaharap ng bansa noong taong 2019, pero wala naman daw siyang sa ma ng loob sa mga producers.
Samantala, usap-usapan nga nayon ang bagong vlog ng komedyante, matapos niyang proud na ibahagi sa netizens ang buhay na mayroon siya ngayon sa bansang Canada.
Makikita sa kanyang vlog na tulak-tulak niya ang isang cart na puno ng mga buti, at iba pang kalakal na pwedeng ibenta.
Sa kanyang pagbebenta ay ibinahagi din niya ang kanyang kinita sa mga kalakal na iyon, na umabot din daw sa mahigit sa 600 pesos ang kinita niya sa kalakal ng dalhin niya iyon sa isang recycling center sa Canada.
Ayon kay Jimmy, na mayhalaga daw ang bawat bote at lata ng beer, mayroon itong deposito na 10 cents para sa ganoon maobliga kayo na maibalik ito, para maibenta at ma recycle.
Makikita din sa mga larawan na si Jimmy mismo ang nag dala at naglagay ng mga kalakal sa mesa ng kanyang pagbebentahan.
At matapos nga na masuri ng mga empleyado roon ang kanyang dalang kalakal ay ipinadaan na ang mga iton sa conveyor system.
Matapos nga ang proseso ay nakatanggap na nga ang komenyante ng resibo para i-scan sa cash dispenser.
Natuwa naman si Jimmy ng makuha na niya ang kanyang kinita sa pagbebenta ng mga kalakal, na binabaliwala lang ng ibang tao.
Maraming mga netizens naman ang humanga at natuwa sa ginawang ito ni Jimmy Santos.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!