Muling nagbahagi ng update ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kanyang kasalukuyang health conditions habang patuloy pa rin ang kanyang pagpapagamot sa Amerika.
Matatandaan na nauna nang ibinahagi noon ni Kris Aquino na naging apat na ang kanyang autoimmune conditions, ngayon maari na naman umano itong madagdagan pa ng isa.
Nitong May 17, 2023, nagbahagi ng panibagong reel sa kanyang social media account si Kris Aquino na kuha mula sa ospital habang siya ay umiinom ng gamot.
Sa kanyang caption, ibinahagi ni Kris Aquino na nagsimula na ang kanyang first "baby dose" ng methotrexate, a class of medications called antimetabolites.
Ayon sa caption ni Kris Aquino, Methotrexate treats cancer by slowing the growth of cancer cells. Methotrexate treats psoriasis by slowing the growth of skin cells to stop scales from forming. Methotrexate may treat rheumatoid arthritis by decreasing the activity of the immune system.
Ipinahayag din ng Queen of Media na hindi niya napigilan ang mapaiyak dahil sa kanyang frustrations because her "blood panel numbers were bad."
"I started taking a new biological injectable to help bring down my IgE (that’s the number of allergens in my blood) which remained very high. Naiyak na lang ako sa frustration because my blood panel numbers were bad. I won’t bore you with the details, but my chest CT scan showed scarring & micronodules in my right lung."
Ibinahagi pa ng aktres na sa ngayon ay may limang autoimmune conditions at may posibilidad pang maging anim.
"I can’t be classified as outright having SLE or RA because I’m exhibiting physical manifestations for both. For now, it’s definite I have 5, possibly 6 autoimmune conditions and I bit the bullet and started my baby dose slowly increasing the dosage to 7.5 mg per week."
Sa huli ipinahayag ni Kris Aquino na kailanman ay hindi siya susuko at sana'y hindi rin susuko ang kanyang mga tagasuporta sa pagdarasal para sa kanyang kalusugan.
"How badly I wanted to keep this private because I’m scared baka mawalan kayo ng gana to keep praying for me & my doctors, my sons, and my sisters. Hindi ako sumusuko, sana wag rin kayo sumuko? Please? My gratitude post will follow."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!