Naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging post ng isang netizen putungkol sa naganap na aberya sa Gcash.
Matatandaan na nagkaroon ng aberya ang Gcash kasunod ng sunod-sunod na reklamong natanggap nila na may mga user na nawalan ng pera.
Tila ginamit naman itong palusot ng isang 'kumare' na hindi makapagbayad sa utang.
Gamit na gamit ng isang babae ang pagkakaroon ng aberya sa Gcash matapos sabihan ang kaibigang pinagkakautangan na hindi muna siya makakapagbayad dahil hindi raw niya mabuksan ang app.
Ayon sa ginang, nasa Gcash ang kanyang pambayad at kinakabahan na umano ito dahil sa balitang may mga nawawalan ng pera rito.
Ayon sa Facebook post ni “Chung Dela Cruz Ubas,” pinadala raw sa kaniya ng kanyang kumare ang screengrab ng anunsyo ng e-wallet tungkol sa naganap na aberya. Matapos niya itong singilin sa utang na mahigit isang taon nang hindi nababayaran.
“Be di maopen GCash. Andun sana pambabayad ko sayo. Kinakabahan ako,” mensahe ng kumare.
“Last year pa Yung utang mo mare . 🤣 Nakahanap pa ng palusot 🤣," caption naman ng kumareng naniningil.
Komento naman ng ilang mga netizens na nagpapalusot lamang talaga ang kumareng pahirapang magbayad ng utang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!