Tila binasag ng veteran actress na si Manilyn Reynes ang paniniwala ng Fil-Am actress na si Liza Soberano hinggil sa loveteam culture ng Pilipinas.
Sa naging guesting ni Manilyn Reynes sa programang Fast Talk with Boy Abunda, kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang pagkakaroon at ang pagkakakulong umano ng artista sa pagkakaroon ng loveteam.
Ayon kay Manilyn, hindi siya sumasang-ayon sa naging pahayag ni Liza Soberano na napipigilan ng pagkakaroon ng love team ang growth ng isang artista.
“Certainly kaya mong gawin ‘yan on your own… Hindi mo kailangan ng isa pa. Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-love team. Somewhere, sometime, somehow, kailangan meron ka ring ka-love team lalo na kapag growing up ‘di ba?” saad ni Manilyn.
Gayunpaman, nilinaw din niyang maari namang sumikat kahit wala sa iisang loveteam.
“Pero of course you can do it on your own. Ipakita mo what you’ve got.”
Si Manilyn Reynes ay isang batikang artista ng Pilipinas. Nagsimula siyang pumasok sa pag-aartista noong siya ay nasa sampung taon pa lamang.
Nakilala si Manilyn sa kanyang galing sa pag-arte lalo na sa mga horror films. Tinagurian din siya bilang 'Star Of All Decades' dahil sa tagal niya sa industriya.
Nakaloveteam din niya noon sina Janno Gibbs, Keempee de Leon at ang naging asawa niyang si Aljon Jimenez.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!