Manny Pacquiao, Natalo Sa Kaso Na Isinampa ng Paradigm Sa US!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely

Natalo si dating Senador Manny Pacquiao sa civil case na isinampa sa US ng Paradigm Sports Management. Inutusan ng US jury si Manny na magbayad ng kabuuang $5. 1 milyon — humigit-kumulang ₱282 milyon — sa Paradigm.


Nagsampa ng civil lawsuit ang Paradigm Sports laban kay Manny Pacquaio dahil sa paglabag umano nito sa kanilang kontrata. 


Itinago umano ng boksingero ang nauna niyang kasunduan sa Paradigm habang nakikipagnegosasyon sa isa pang promotional company — TGP Promotions — para sa laban niya kay Errol Spence Jr.


Dahil umano sa ginawang ito ni Manny Pacquiao, nahadlangan ang pagkikipag negotiate ng Paradigm Sports sa labanang Manny Pacquiao at UFC superstar Connor McGregor. Matapos mainjured ni Errol Spence, nakalaban naman ni Manny si Yordenis Ugas.


Ang labanang Pacquiao-Ugas ang naging huling laban ni Manny Pacquiao bilang isang professional boxer.


Matatandaang, naunang ipinahayag ni Manny Pacquiao na wala umanong basehan ang kaso ng Paradigm laban sa kanya. Hindi rin umano siya nababahala rito.


"Paradigm Sport's lawsuit against me has no merit. Sadly, this frivolous lawsuit intends to distract my preparations for ahistoricfight. But it does not bother me a bit."


Dagdag  pa ni Manny Pacquaio na naghahanda na umano noon ang kanyang mga abogado para sa gagawin nilang counter charges laban sa Paradigm.


"My lawyers are on top of this lawsuit and are ready to file counter charges against Paradigm Sports."


Sa ngayon ay kasalukuyang nagbabakasyon ang buong pamilya ni Manny Pacquiao sa Germay. Ibinahagi pa nila ang kanilang mga photos sa social media.


Nakapagdesisyon din sina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquaio na bisitahin rin ang Switzerland kasama ng kanilang mga anak.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng anumang komento si Manny Pacquiao sa balitang ito.


Si Manny Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, na itinuturing na isa sa mga greatest boxer's sa history. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao, na tinawag niyang matalik niyang kaibigan.


Si Jinkee at ang boxing legend ay may limang anak – sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Prinsesa), Queen Elizabeth (Queenie), at Israel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo