Professional boxer at dating Senador na si Manny Pacquiao, pinagbabayad ng halagang $5.1-m o sa katumbas na 282 million pesos.
Ito ay matapos siyang matapo sa kaso na isinampa ng Paradigm Sports Management sa California.
Ang kasong isinampa ay upang maibalik sa kanila ang $3.3-M na isa daw advance payment na ibinigay mismo kay Manny Pacquiao.
At dahil na rin daw sa hindi niya pagtupad sa kanyang penirmahang kontrata sa Paradigm Sorts Management.
Matatandaang hindi sinunod ni Manny Pacquiao ang kontratang pinirmahan niya sa Paradigm Sports Management na ang makakalaban niya dapat ay ang unified Welterweight Champion na si Errol Spence, Jr. noong Agosto, 2021.
Ngunit nagkaroon ng injury si Spence kaya ang Cuban Welterweight champion na si Yordenis Ugas ang ipinalit na naging huling laban na ng Pambansang Kamao.
Napag-alaman ding pumasok si Manny Pacquiao noong February 2020, para sa posibling mega fight nila ni Conor Mcgregor.
Si Manny ay inakusahan sa pakikipag deal sa isa pang promotional campany habang on going pa ang kanyang pinirmahang kontrata sa Paradigm Sports Management.
Kaya naman ito ang naging dahilan kaya hindi niya naituloy ang kanyag laban dito.
Na ikinadismaya naman ng Paradigm Sports dahil matapos ang laban ni Manny kay Yordenis Ugas ay inanunsyo naman niya ang kanyang pagreretiro sa boxing.
Kaya naman tuloyan na ngang hindi natuloy ang laban niya kay Mcgregor.
Hanggang sa dumating na nga ang araw na ito na lumabas na nga ang disisyon ng korte.
Pumanig nga ang korte sa Paradigm Sports Management na Nakakuha ng 9 votes at 3 naman kay Dating Senador Manny Pacquiao.
Si Manny Pacquiao ay inatasang isa uli ang $3.3-m na advance payment sa kanya. at may dagdag na $1.8-m para sa dameges.
Kaya ang total na dapat niyang bayaran ay nagkakahalaga nga $5.1-m o 282 milyon pesos ang kanyang kailangang ibigay sa kampo ng Paradigm.
Samantala, wala pang pahayag mula sa kampo ni Pacquiao hinggil sa issu na ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!