Michael Pacquiao, Nabu-Bully Sa Eskwelahan Dahil Hindi Gwapo

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Isang nakakagulat na rebelasyon ang ibinahagi ng isa sa mga anak ng boxing champ na si Manny Pacquiao.


Marami sa mga netizens ang naniniwalang hindi na nagkakaroon ng problema ang mga mayayaman, partikular na ang mga anak ni Manny Pacquaio dahil nabibili na ng mga ito ang lahat ng kanilang gusto.


Subalit nilinaw ni Michael Pacquiao na kahit mayayaman ay nagkakaroon ng mga suliranin.


Sa kamakailang panayam niya sa programa ni Julius Babao, isiniwalat ni Michael ang mga pinagdaanan niyang pambubully.


Minsan ay ginagamit lamang umano siya ng ilang mga tao sa kanyang paligid dahil sa kanyang pera, subalit kapag wala at nakatalikod siya ay pinagtatawanan na siya ng mga ito dahil sa kanyang itsura.


“They were pretending to be my friends because yung name ko. People were nice to me because they just wanted something from me. Libre ko sila, like that.”


“In reality they don’t really genuinely like me for who I am,” pagsisiwalat ni Michael.


Matatandaan na noong 2015, lumipat ng paaralan ang mga anak ni Manny Pacquiao. Mula sa Brent International School sa Laguna nagtransfer ang mga ito sa Hope Christian School sa General Santos City.


Ipinahayag ni Michael na hindi naging maganda ang trato sa kanya ng kanyang mga schoolmate.


“I couldn’t fit in, kasi Pacquiao, so they thought Inglisero lang. No one really wanted to talk to me. Because of my name also. They were afraid.”


Dagdag pa ni Michael, “Most of the time in school, I would hear… make fun of me, saka they would make fun of my face, my name, tsaka backstab me. Talk behind your back.”


Inamin pa nito na nakaranas din siya ng depression kung saan naisipan niyang saktan ang kanyang sarili dala ng mga pinagdadaanan.


Sa huli, ipinunto ni Michael na hindi nareresolba ng pera ang lahat ng suliranin.


“Just because na mayaman kami, wala nang problems ‘cause money doesn’t solve all problems. I still have many problems personally. I’m glad I have people beside me to help me go through it.” 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo