Nagbigay na ng saloobin ang kandidatang nagrepresent sa Bohol para sa Miss Universe Philippines, hinggil sa naging resulta sa nasabing kompetisyon.
Inamin ng kinuronahang Miss Supranational Philippines 2023 na si Pauline Amelinckx na maging siya ay na-disappoint na hindi niya napanalunan ang Miss Universe Philippines 2023 title.
“I was a little bit disappointed in myself, too, if I can be perfectly honest,” saad ni Pauline sa isang panayam.
Gayunpaman, ipinahayag ni Pauline na kahit anong dismaya niya mananatiling what if na lamang ang lahat ngayong natapos na ang kompetisyon.
“Of course, there are some areas, after self-reflecting, where I think to myself I could have done better and perhaps it could have changed some of the results. But at the end of the day, that's still 'what if.'"
Pagpupunto pa ni Pauline, “I don't want to ponder too much. Let's not ponder too much on the past because we can't change that anymore. Michelle is, of course, very deserving and I'm sure she'll make our country proud.
Sa huli, hiniling ni Pauline ang pagsuporta ng kanyang mga fans sa kanyang journey sa Poland.
“But when it comes my fans, of course, we have something very excited to look forward to."
"So, hopefully, you can still support me on this journey towards Poland. And hopefully, help me pray and manifest the second Miss Supranational crown for the Philippines.”
Si Pauline Amelinckx ang in-appoint bilang Miss Supranational Philippines 2023.
Gaganapin ang Miss Supranational 2023 sa Poland on July 14.
Narito ang video: https://fb.watch/kP6hv4o4sw/
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!