Tila hindi na nakapagtimpi ang lyricist/composer na si Lolito Go sa mga kasinungalingan ng singer na si Moira Dela Torre kaya naman isiniwalat na niya ang mga tinatagong baho nito sa kanyang mga social media post.
Maging ang pagkuha umano nito sa mga credits ng mga kantang kinompose umano niya, subalit hindi man lamang umano siya nabibigyan ng credit.
Sa mahabang Facebook post ni Lolito Go nitong May 28, sinabi niyang nagkakilala sila ni Moira Dela Torre dahil siya ang nagkompose sa kantang Titibo-Tibo ni Moira Dela Torre na nagpapanalo kay Moira sa Himig Handog 2017.
Sa nasabing Facebook post, inisa-isa ni Lolito ang mga negative attitudes ni Moira Dela Torre at ang mga kasinungalingan umano nito sa relasyon at sa break up nila ni Jason Hernandez.
"I have been itching to write about this a few months ago pa. Hindi ko na kasi ma-take ang pambabash ng publiko kay Jason. But Jason stopped me because he still wanted to protect Moira. Hindi totoo ang kantang Eme ni Moira na "wala naman akong kasalanan”."
Dagdag pa ni Lolito na sa likod ng mala-Anghel na boses ni Moira ay isa pala umano itong manloloko.
"Looks and voice can definitely deceive. This soft-spoken lady with a voice of an angel, who always seems to have a sunny disposition, and has a penchant for quoting the Bible, has a dark side unknown to many. (A wolf in sheep's clothing, ika nga.) And I am not surprised sa kung anuman ang narinig ko from those people who saw the whole story (na friends and family din ni Moi)."
Samantala, isa sa mga isiniwalat ni Lolito ay ang collaborations nila ni Moira para sa presidential campaign ni Leni Robredo kung saan kinuha umanong lahat ni Moira ang credit.
Pagdidiin pa ni Lolito hindi naman umano siya binayaran sa kantang kinompose niya para sa campaign ni Leni.
"The most recent was the song for presidential bet Leni Robredo. Mind you, I was not paid a single penny for the songs I wrote. There was an instance pa nga na I was not even included in the credits sa Spotify. Kung hindi ko pa pinuna, hindi nya pa ire-rectify."
"When she asked me to write a song for Leni, she just edited some of the lyrics and it became hers na. She also asked me to pen the caption for her socmed posts about the song. Pero sa mga press release, she got the credits."
Sa huli ipinahayag ni Lolito na mabuti lamang si Moira sa mga taong nakikinabangan niya. Tinawag pa niya itong magaling mambola.
"When Moira needs you, she will make you feel loved and cared for. Magaling sya mambola. She even asked me kung magkano price ko for ghostwriting for her last year noong nagkakalabuan na sila ni Jason."
"When I told her my price, tinawaran nya ako for 20k per month. I felt so insulted. But I just kept that to myself. When I finally had enough May last year, I blocked her in FB and messenger complete with a long breakup letter."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!