Inamin ng award-winning actress na si Nadine Lustre na hindi na siya bumibili ng mga products na mula sa mga balat ng hayop. Gaya ng mga leathered shoes at bags.
Mula umano nang naging vegan siya itinigil na rin niya ang pagbibili ng mga nasabing produkto. Sadyang hindi lamang ang kanyang diet ang nabago kundi maging ang kanyang pananaw sa kanyang mga gamit.
Ipinahayag ito ng aktres sa kanyang panayam sa vlog ng celebrity dermatologist na si Dra. Aivee Teo na mapapanood sa YouTube channel ng nito.
Ayon kay Nadine Lustre, walong buwan na umano nyang isinasabuhay ni Nadine ang pagiging vegan.
Kaya naman naging struggle umano para sa kanya ang kanilang recent Monaco trip ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou dahil sa dami mga masasarap na pagkain na maaaring i-try doon.
Subalit hindi umano ito maari dahil nais niyang mag-stick sa kanyang vegan lifestyle.
“We found restaurants in Paris, parang 2-star or 3-star Michelin na vegan, so that’s what we are aiming for. That’s why sabi ko, ‘Okay, for this trip I’m not gonna shop,’” pagbabahagi ni Nadine Lustre.
“I feel like shopping will be hard for me kasi I stopped buying leather na-bags, shoes. Yeah, I stopped buying na completely.
“When I switched to vegan, that’s when I became more conscious. Then I started becoming more and more empathetic to animals,” paglilinaw pa ni Nadine.
Maging, sa tuwing nakakakita umano siya ng mga hayop sa mga truck ay naaawa na umano siya sa mga ito.
“So everytime I would see an animal like in the trucks being transported… meat hang as you know… It makes me feel really bad. It’s another level of empathy. It’s like I could feel the pain the animal went through.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!