Matapos ang halos apat na pong dekada ay tuloyan ng kumalas sa TAPE incorporated, tinaguriang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Inanunsyo ng TVJ ngayong araw, May 31, kung saan ay bago ang ginawa nilang pag-aanunsyo ay replay episode muna ang ipinalabas ng kanilang show.
Pahayag ng Tv host actor na si Vic Sotto, "Simula ngayong araw May 31, 2023 kami po ay magpapaalam na sa TAPE incorporated."
"Karangalan po namin na nakapaghatid kami ng tuwa mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo, saan man kami dalhin ng tadhana tuloy ang isanglibo't isang tuwa."
Matatandaan na naunanang lumabas sa balita noon na lilipat na ang TVJ sa TV5 at aalis na sa TAPE incorporated.
Matatandaan din na nagkaroon nga nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kampo ng mga Jalosjos at ng TVJ.
Na ipinahayag pa noon ni Mayor Bullet Jalosjos sa Fast Talk With Boy Abunda na wala naman problema sa dalawang kampo na walang papalitan sa mga host o tatanggalin.
Pero ngayon ay malinaw na hindi talaga nagkasundo ang mga Jalosjos at ang kampo ng trio, at malinaw na malinaw din na hindi nila kinaya ang puwersa ng mga Jalosjos.
kung matatandaan ay na una nang ipinahayag noon nina Tito, Vic at Joey na sakanila ang Eat Bulaga at ang mga Jalosjos ay tanging ang papel lamang ay ang pagpoproduce sa programa.
At matatandaan din nitong kamakailan na sinabi ng TVJ na kung aalis man sila o lilipat sa ibang stasyon ay dadalhin nila ang titulong Eat Bulaga.
Tila ngayon ay matutuloy na nga ang mga planong ito nina Tito, Vic at Joey na tuloyan ng iwan ang TAPE incorporated.
Sa ngayon ay hindi pa alam ang gagawing hakbang nang TVJ, kung dadalhin ba nila ang Eat Bulaga sa kanilang pag-alis o hindi nalang.
At wala pa naman inilalabas na pahayag ang kampo ng mga Jalosjos hinggil sa usaping ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!