Nagsalita na ang CEO ng kilalang beauty product na brilliant skin essentials na si Miss Glenda Dela Cruz, kaugnay sa nagviral na balita patungkol sa kanyang producto na ipinagbabawal sa bansang Canada.
Dahil daw umano sa ingredients nito na di umanoy delikado. Sa TikTok nga ay viral padin hanggang ngayon ang iniulat ng isang artikulo na Omni news Filipino noong March 20.
Tuloyan na ngang ipinagbabawal ng bansang Canada ang pagbibinta at paggamit ng nasa siyam na, hindi oturisadong pampaputing produkto.
Ang mga nasabing produkto ay mula sa kilalang beauty brand sa Pilipinas, na Brilliant Skin Essentials. Katulad ng Rejuv set, Topical cream at Toner.
Paliwanag daw kasi ng Heath Canada na maituturing daw na delikado sa kalusugan ng tao ang ilang mga ingredients na naka lagay sa packaging ng mga producto.
Halimbawa na lamang ang Hydroquinone, na isang sangkap na ginagamit sa pagpapaputi ng balat.
Maaari daw kasing mauwi sa paggiging kulay asul o itim ang balat.
Katunayan nga daw ay hindi ito inirerekomenda ng Canada management sa mga kabataan, buntis at maging sa mayroong mga cancer.
Isa pa nga ding sangkap na ipingbabawal sa Canada ay ang Tretinoin na karaniwang ginagamit naman sa acneic na maaari daw pag mulan ng pamumula at pamamalat.
Isa din daw umano itong nagiging sanhi ng depekto sa panganganak.
Samantala, agad naman na ipinaliwanag ng CEO ng Brillian skin na si Glenda Dela Cruz ang dahilan kung bakit ipinagbabawal sa Canada ang mga nabanggit na kanilang mga produkto.
Paliwanag umano ni Glenda na hindi daw kasi rehistrado sa Canada ang Brillant skin Essentials, kaya naman hindi daw sila maaring magbenta ng kanilang mga produkto doon.
Aniya, "So number one, hindi po kami registered sa Canada, just like sa ibang countries, hindi po tayo registered."
"So automatically ma cocall out po talaga tayo ng mga authorities na ipa register ang ating mga products."
"Meron din pong mga lugar na hindi ina-allow ang hydroquinone, o tretinoin, dahil ito po ay isang gamot."
"Iba't ibang bansa iba't iba po yang rules, pero dito po sa Philippines FDA registered po tayo."
Samantala, tila napataas naman ang kilay ng ilang netizens dahil parang ibang paliwanag ang gusto nilang marinig kay Glenda Dela Cruz.
Ayon nga sa mga ito, "Miss Glenda I'm not a basher pero ang concern dito ay ang ingredients po ng produkto, na nakakasama, meaning hindi po siya dapat ginagamit."
"Imformative naman po kaso yung ingredients yung issue, sana ma adress po, thanks madam."
"It's all about the ingredients that are prohibited, and not about the registretion."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!