Agad na bumwelta ang social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador sa mga artistang bumatikos sa kanyang matapos niyang ipahayag na laos na si Michael V.
Matatandaan na nagbigay ng payo si Michael V. sa lahat ng mga content creators at sinabing bago gumawa ng content ay intindihin munang mabuti ang kahulugan ng salitang 'content'.
Tila hindi naman ito nagustuhan ni Rendon Labador at dito na ipinahayag na laos na umano ang mga artista na tulad ni Michael V. na kilala rin bilang si Bitoy at napalitan na umano nilang mga content creators.
Maging ang mainstream media ngayon ay ang social media na ayon pa kay Rendon.
"INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM"
Sa komento pa niya sa payo ni Bitoy sa lahat ng mga content creator ipinahayag niyang laos na si Bitoy.
"Masakit na katotohan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW"
Samantala, hindi naman it nagustuhan ng ilang mga artista katulad nina Tuesday Vargas, Kim Atienza at Joross Gamboa, kaagad nilang binatikos ang pahayag ni Rendon Labador at ipinagtanggol si Bitoy.
Agad naman silang binalikan ni Rendon Labador at sinabing hindi lamang matanggap ng mga artistang ito na mga laos na sila dahil sa social media.
“Kahit mag kampihan pa kayong lahat, wala akong paki alam. Bakit hindi ninyo matanggap na mga laos na kayo? Masakit na katotohanan yan na kailangan ninyong lunukin.”
Samantala, may ilan namang netizens na umalma sa pahayag ni Rendon Labador na hindi lahat ng mga content creator na sumikat ay hinahangaan ng mga netizens.
May ilan pang harapang sinabihan si Rendon na hindi siya kabilang sa mga content creators na sikat at hinahangaan ng nakakarami dahil sa magagandang contents.
May mga binalikan pa ang pagkalugi sa unang araw ng resto bar opening ni Rendon Labador kung saan siya mismo ang nagbalitang walang bumili sa kanilang tickets.
Matatandaan na naunang naging target ng pambabatikos ni Rendon Labador ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin at ang panibagong teleserye nitong Batang Quiapo.
Si Coco Martin rin ang kanyang sinisisi sa naunang pagkalugi ng kanyang restobar grand opening.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!