Sharon Cuneta Tinatawag Na Sipsip Kay Coco Martin

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ni Sharon Cuneta ang banat ng ilang mga netizens tungkol sa pagiging sipsip umano niya kay Coco Martin matapos ang ipinahayag niyang reaksyon sa pag-amin nito sa totoong relasyon nila ni Julia Montes.


May ilang mga netizens na kaagad binanatan si Sharon at sinabihang nakikisipsip sa actor-director upang makasama sa teleserye nitong Ang Batang Quiapo.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni ni Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram account ang larawan nina Coco Martin at  Julia Montes nang dumalo sila sa screening ng ABS-CBN-GMA Network-Viu Philippines collab series na “Unbreak My Heart kamakailan, kung saan umamin ang dalawa na 12 years na silang nagsasama.


“Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! 😂🙏🏻💖💖💖 Happy si Mommy ‘mysha!🥰🥰🥰@montesjulia08 @cocomartin_ph.”


“I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.”


“They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much – and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive – and that certainly will not change! I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let’s all be happy with our own lives and be happy for them!” caption ni Sharon sa kanyang post.


Matatandaang naging bahagi noon si Sharon Cuneta sa matagumpay na teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon.


May isang netizen naman ang nagkomento at hayagang sinabihan si Sharon na nakikisip-sip upang matulungan ni Coco Martin at makasama sa Batang Quiapo.


"Ok sige.. sipsip pa more baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo."


Hindi naman ito pinalamapas ni Sharon Cuneta at kaagad na sinagot.


“Excuse me? Saang planeta ka lumaki?”


“May sarili akong mga trabaho. Busy ako.”


Dagdag pa ni Sharon, "Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa probinsyano ako ang inimbita di ako nagpresenta ng sarili ko, yun ay para makatulong hindi para matulungan.


"Dalawa parating kong teleserye at may movies ako. Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa."


Dahil sa hayagang bwelta ni Sharon, hindi na nakapagkomento pa ang basher.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo