Slater Young Hiyang-Hiya Sa Kanyang Sarili Matapos Ma-Bash Sa Kanyang 'Normal' Statement

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


Tila biglang natauhan ang Pinoy Big Brother grand winner at social media influencer na si Slater Young at biglang napakambyo sa kanyang naging pahayag tungkol sa pagpapantasya sa iba, matapos makatikim ng kaliwa't kanan na pambabatikos mula sa mga netizens.


Matatandaan na ipinahayag ni Slater Young sa isang podcast ang kanyang saloobin tungkol sa mga fantasy ng mga lalaking taken.


Ayon kay Slater hindi maiiwasan at normal lamang sa isang lalaki kahit pa taken na ang magpantasya sa ibang babae lalo na sa social media.


Isiniwalat din nitong kasali siya sa isang groupchat kung saan ang napag-uusapan nila ay ang kani-kanilang mga pinagpapantasyahang babae.


Sa kabilang banda sinabi naman ng asawa ni Slater Young na si Kriz Uy na kailanman ay hindi siya nagseselos sa mga babaeng pinagpapantasyahan ni Slater, hindi rin umano siya nakikialam sa cellphone ng mister dahil ginagalang niya ang privacy nito.


“The guy is being absolutely honest. Kasi siyempre, if I’m going to lie to you, and you ask me if I have boners about other women and if I wanted to lie just to make you comfortable, I’m just gonna say, ‘No, of course not.’


“Kryz and I talk about that. It’s normal. It’s just a fact of life that there are many other women more attractive than you or just as attractive than you,” pahayag noon ni Slater.


Samantala, kaagad na umano ng samu't-saring pambabatikos si Slater mula sa mga babaeng netizens. Buong akala pa naman umano nila na Mr. Green Flag ito subalit ang totoo ay  Mr. Red Flag pala.


Kaya naman, tila natauhan na si Slater at inaming mali ang kanyang naging pahayag sa podcast tungkol sa fantasy ng mga kalalakihan. Humihingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng mga kababaihan.


“It’s been a hard few days. It’s been an eye-opening few days. Sometimes, you think that you did something OK and it takes a little while for it to sink in na, ‘Oo nga ‘no. Mali pala talaga ako.’”


Pagpapaliwanang pa ni Slater, “Kasi siyempre pag merong mga comments and merong mga reactions na parang ina-attack ka your first instinct is to be defensive.


“And I finally realized na, ‘Oh my God, I really made a mistake,’ because I’m giving it power na, to say it’s okay, and me saying it’s normal, kind of normalizes it and makes it okay.


“The last thing in my mind and my heart would be to objectify women,” depensa pa niya.


“I should’ve called it out na parang, ‘Ah it happens, but this isn’t ok, we should hold ourselves to a higher standard.’ When sa akin, like, ‘Oh it happens, don’t worry about it.’ ‘Yun ‘yung sinabi ko.”


Ipinahayag pa ni Slater na labis siyang nahihiya matapos mabasa ang mga komento mula sa mga netizens patungkol sa kanyang naging pahayag.


"I feel ashamed na parang nako-quote ako ng ganyan and parang, ‘Ah, this is not me and I wish I could take it back.’ I know for a fact that I said that. Like nahiya talaga ako,” pag-amin ni Slater Young.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo