Isiniwalat ng Showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog ang pagtanggi umano ni Tito Sotto na mainterview ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda sa GMA7.
Ayon umano sa isang source ni Ogie Diaz, mas pinili ni Tito Sotto na sa iba na lang magpa interview at hindi na sa taong naginterview kay Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc.
"'Yun lang ang nakarating sa atin. Na feeling daw ng kampo ng TVJ, parang masyadong pabor ang mga tanong ni Kuya Boy kay Bullet. Parang before handa daw parang nag-usap si Bullet at si Kuya Boy," pahayag ni Ogie Diaz.
Alam din umano ni Ogie Diaz na nais ring makuha o marinig ni Boy Abunda ang side at panig ng TVJ subalit wala rin siyang magagawa sakaling umayaw ang mga ito.
"Knowing Tito Boy, kukunin pa rin niya yung panig ng kabila, 'pag ayaw wala rin naman siyang magagawa."
Ipinunto pa ni Ogie Diaz na normal lamang na mag-usap bago gawin ang interview.
"Normal lang ho 'yun sa nag-iinterview na bago sumalang on cam ay kakausapin ka muna off cam. Normal po 'yun."
Matatandaan na matapos ang panayam ni Tito Boy Abunda kay Mayor Bullett Jalosjos ng TAPE Inc. naging sunod-sunod na ang pagpapaunlak ni Tito Sotto ng mga panayam upang ilahad naman ang kanilang panig.
Matatandaan na naunang inalmahan ni Tito Sotto ang naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos tungkol sa pananatili nila sa Eat Bulaga.
Sinabi rin ni Tito Sotto na nagsinungaling si Mayor Bullet sa ilang mga sagot niya sa panayam ni Boy Abunda.
Ang Eat Bulaga ang siyang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Kamakailan lamang ay lumabas ang samu't-saring espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.
Gayunpaman, tila hindi ito maari dahil naka credit ang rights ng show sa TVJ kaya sakaling mawawala sila sa show ay maaaring dalhin nila ang Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!