Hindi na nakapagtimpi ang content creator at social media influencer na si Toni Fowler at tinalakan ang mga magulang ng mga batang gumagaya sa kanya para lamang mabigyan niya ng Iphone14.
Sa inilabas na TikTok video ni Toni Fowler inihayag niya ang kanyang pagkadismaya sa mga magulang ng mga bata na siyang naghihikayat pa sa mga itong gayahin ang kanyang mga ginagawa sa music video ng MPL.
Matatandaan na naunang binatikos si Toni Fowler ng ilabas niya ang music video ng MPL dahil sa malaswang content nito.
Tinanggap naman lahat ni Toni ang mga pambabatikos sa kanya dahil sa kanyang kanta dahil aminado naman talaga siyang may kalaswaan ito.
Tinanggap din umano niya maging ang pang-uuto ng ilang mga netizens sa kanya para lamang mabigyan ng Iphone14 subalit ang ipagaya pa ito sa mga bata ay too much na.
Ibinahagi ni Toni Fowler na nakaabot na sa kaalaman niya ang ipinagawa ng mga magulang sa mga anak nilang batang babae, na nagpalagay ng something sa kanilang dibdib at puwitan upang magmukhang malaki. Hindi din umano titigil ang mga batang ito hangga't hindi niya bibigyan ng Iphone14.
Ang hindi nagustuhan ni Toni Fowler ay mismong mga magulang pa ng mga bata ang nag-uudyok sa kanila para gawin ito. Nasaan na raw ba ang sinasabing “parental guidance?”
Muli, nilinaw ni Toni Fowler na ginawa niya ang kanta at ang music video para sa mga adult na nakakarelate dito at hindi para sa mga bata.
Pagdidiin pa ni Toni Fowler na hindi niya kukunsintihin ang mga gawing ito. Pinaalalahan pa niya ang mga magulang na responsibilidad ng mga ito ang pagbabantay sa mga napapanood ng mga anak sa social media.
“This is too much. I am posting this for awareness sa mga magulang… Tagalog po yung kanta ko, napakadaling intindihin, para sa adults ko sinulat ‘yon hindi para sa mga bata.
‘Eh bakit mo pa sinulat-sulat?’ Hindi gano’n ‘yon. Huwag n’yo sa akin isisi. Naiintindihan ko naman na marami ang may gusto ng iPhone 14. Pero hindi n’yo kailangang gumawa ng paulit-ulit ng videos… hindi po ako maaawa sa ganyan,” pagpupunto ni Toni Fowler.
“Bilang magulang, responsibilidad po natin kung ano ang gusto nating mapanood ng mga bata, o mapakinggan nila. Tayo ang mag-eexplain sa kanila in the future.”
@mommytonifowlerofficial Tigilan nyo yung ganitong entry di ako natutuwa
♬ original sound - Toni Fowler
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!