Top 11 Finalist Ng Bb. Pilipinas 2023

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely




 Kasalukuyang nagaganap ngayon May 28, 2023 ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2023 sa Smart Araneta Coliseum hosted by Catriona Gray, Nicole Cordoves at MJ Lastimosa.


Mula sa 40 kandidata, nakapili na ng Top 11 semi-finalists na maglalaban-laban sa final round ng Binibining Pilipinas 2023 pageant.


Pasok sa Top 11 sina Miss Dinalupihan Bataan Lea Macapagal, Miss Laguna Trisha Martinez, Miss Davao del Sur Katrina Johnson, Miss Hermosa, Bataan Marcy Chiles Balana, Miss Bataan Anna Lakrini, Miss Aklan Jessilen Salvador, Miss Cabanatuan, Nueva Ecija Kiaragiel Gregorio, Miss Palawan Angelica Lopez, Miss Gen. Trias, Cavite Atasha Reign Parani, Miss Albay Jeanne Isabelle Bilasano, at Miss Bulacan Loraine Jara.


Sampo sa mga ito ang napili mismo ng mga judges sa naganap na preliminary competetions. Samantalang ang huling Binibining nakapasok ay mula sa boto ng mga netizens siya rin ang nanalo bilang Binibining Bingo Plus 2023.


Sasabak naman ang labing isa sa pinakahihintay na parte ng beauty pageant ang Question and Answer portion upang magkaalaman na kung sino ang tunay na karapat-dapat sa korona.


Samantala, dalawa ang kokoronahan ngayon bilang Binibining Pilipinas International 2023 at Binibining Pilipinas Globe 2023.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo