Marami ang nagulat at kinabahan sa nangyari sa anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano.
Ito ay matapos niyang magbahagi ng mga larawan ng kanyang pagkakaaksidente sa kalsada ng America.
Lingid sa kaalaman ng lahat na sa America na nakatira si Gab Valenciano.
Matatandaang umalis ng bansa si Gab noong nakaraang buwan at sinabi niya na doon na siya maninirahan at lalagay sa tahimik.
Kaya naman ikinagulat ng marami ang mga ibinahaging larawan ni Gab sa kanyang Instagram account, halos isang buwan palang ng siya ay umalis ng bansa at pununta sa America.
Nitong Lunes May 22 ay nag-alala ang marami niyang mga tagahanga at mga kaibigan sa showbiz.
Ito ay matapos siyang magbahagi ng mga larawan na siya ay nasa Hospital, Makikita din sa iba pang mga larawan na siya ay isinakay sa ambyolansya at ipinakita rin niya ang kanyang mga natamong mga sugat at galos sa kanyang benti at mga braso.
Sa kanyang caption ay sinabi ng actor na na aksidente siya sa kalsada ng America habang siya ay nagmomotor ay nasagi ang kanyang sinasakyang motor ng isang SUV.
Kuwento niya, papunta na raw sana siya sa kanyang tiyohin para magbigay ng testimony sa simbahan nito, pero sa hindi inaasahang pagkakaton ay nasagi raw ng isang SUV ang sinasakyan niyang motor.
Dahilan upang tumilapon siya ng mahigit sa 20 meters mula sa pinangyarihan ng aksidente.
Ayon pa kay Gab na ito daw ang unang beses na na aksidente siya sa halos dalawang dekada niya sa pagmomotorseklo.
Caption niya, "Last Tuesday, my Tito Ranier and I spoke about me speaking and sharing my testimony in his church. A couple of moments after I left to go to him, this happened. I got side swiped on the freeway by an suv at around 75mph which launched me a good 70ft away from the collision. I was in full gear but because of the force of the impact and momentum, it burned through my jacket and pants."
"This is the first accident in my entire life that I did not expect or see coming. Been riding for close to two decades and still, new unexpected experiences to learn from."
Kahit na si Gab ay naka suot ng full gear ay ibinahagi ni Gab na nagtamo parin siya ng mga sugat sa tuhod at braso dahil nasunog daw ito sa layo ng kanyang sinadsarang kalsada, at dahil na rin sa lakas ng impact.
Sabi niya, "I was in full gear but because of the force of the impact and momentum, it burned through my jacket and pants."
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga tumulong sa kanya noong siya ay naaksidente at pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya, mga kaibigan at sa lahat ng nag-alala para sa kanya at sa lahat ng nanalangin sa kanyang paggaling.
Aniya, "I also want to commend all the firemen, police officers and EMTs who were professional, efficient and kind. I have never felt so safe after a major accident."
"Thank you also to all my friends, family and loved ones for all the messages of encouragement and love, here and in Manila. I love you all!!"
"Lastly, I want to say thank you to my Tito Ranier who picked me up in the hospital and took care of me for the first few days. It’s been very tough moving around especially at night considering I have gashes on my lower and upper back, so sleeping has been tough too but all is well. Slowly but surely."
"Today is Sunday and by God’s grace, I was able to speak and share my life story. With my family by my side. In all things God works for the good of those who love Him. May God bless you all today and keep you and your loved ones safe out there. All is well in His name." 🤍
Sa ngayon ay patuloy parin siyang inuobserbahan at nagpapagaling sa hospital.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!