Naging mainit na usapin sa social media ang pagtanggi umano ng TVJ sa imbitasyon ni Tito Boy na makausapa sila at mailabas naman ang kanilang side sa nangyayari ngayon sa Eat Bulaga.
Gusto raw i-boycott ng Legendary Eat Bulaga trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang anumang pagtatangka ni Boy Abunda na makapanayam sila tungkol sa isyu ng longest-running noontime show dahil hindi nila nagustuhan ang paraan nito sa panayam kay Mayor Bullet Jalosjos.
Matatandaang nagpaunlak na ng panayam si Tito Sotto sa ilang showbiz reporters, kabilang sina Cristy Fermin, Nelson Canlas, at Philippine Entertainment Portal.
Subalit, napansin ng mga netizens na ang dating senate president ay hindi pa nagbibigay ng anumang panayam sa 'King of Talk' sa kabila ng imbitasyon nito.
Samantala, ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, napabalitang tumanggi ang TVJ na makapanayam kay Abunda dahil sa panayam nito sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) Chief Finance Officer na si Mayor Bullet Jalosjos.
“Parang feeling daw ng kampo ng TVJ, parang masyadong pabor ang mga tanong ni Kuya Boy kay Bullet. Parang beforehand daw e nag-usap si Bullet at si Kuya Boy bago sumalang si Bullet sa interview,” pahayag ni Ogie Diaz.
Unang nagbigay nang pahayag si Tito Sotto matapos ang naging panayam ni Boy Abunda kay Mayor Bullet Jalosjos.
Samantala, ayon sa mga naging pagpapahayag ni Tito Sotto mga kasinungalingan ang ilan sa mga isiniwalat ni Mayor Bullet Jalosjos lalo na ang pahayag nito tungkol sa mga pagreresign ng mga staff at pagkalugi ng Eat Bulaga.
Ayon pa kay Tito Sotto imposibleng nalulugi na ang Eat Bulaga dahil kumita sila ng malaki noong nakaraang campaign period.
Dagdag pa nitong paglilinaw na hindi lahat ng staff at hosts sa Eat Bulaga ang nakakatanggap ng malaking sweldo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!