May pa-update si Bossing Vic Sotto sa kanyang sweldo na inutang muna umano ng TAPE Inc. ng matagal na panahon.
Matatandaan na naunang ibinahagi ni Tito Sotto na matagal nang hindi nakakatanggap ng sahod sina Vic Sotto at Joey De Leon sa Eat Bulaga na sa palagay umano niya ay umaabot na sa 30 milyong peso.
Agad naman itong nilinaw ni Bossing na kung susumahin ang lahat ng hindi nila natanggap na pasahod ay aabot na ito sa mahigit na 50 million pesos.
Ang mga pahayag na ito ay matapos naunang isiwalat ni Mayor Bullet Jalosjos na walang utang ang TAPE Inc. ninuman. Subalit, sinabi ni Mayor Bullet Jalosjos na malaki na ang lugi ng show na hindi naman pinaniwalaan ni Tito Sotto.
Samantala, sa muling panayam ng press kay Bossing Vic Sotto nilinaw niyang nabayaran na siya ng mga Jalosjos.
Isa sa mga nakikitang dahilan ni Vic Sotto ay ang pagkakasangkot ng media sa nangyaring utangan ng sahod sa Eat Bulaga.
Samantala, nauna namang ipinahayag ni Vic Sotto na hindi naman siya naniningil sa pagkakautang ng TAPE Inc. nais lamang umano niyang magpatuloy sa pagbibigay ng saya sa mga Dabarkads ang Eat Bulaga.
Gayunpaman, hindi naman nilinaw ni Bossing Vic Sotto kung magkano ang ibinayad ng mga Jalosjos sa kanya.
Kamakailan lamang ay umusbong ang balitang nagkakaroon ng internal conflict ang Eat Bulaga matapos i-take over ng mga Jalosjos ang TAPE Inc.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!