Vloggers Kalaboso Muntik Paputukan Ng Bril Dahil Sa Kidnap Prank Nila!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Jerome


Magkapatid na vloggers na nganganib makulong matapos magsagawa ng isang delekadong prank sa mataong lugar. Kung saan sila ay nagkunwaring mga kidnapers.


Nagkataon naman ay may isang pulis pala na naroon sa lugar ng kanilang pinag vloggan at sila ay tinutukan ng baril, na muntik na nilang ikapahamak. Mabuti na lamang ay kaagad silang naka sigaw ng prank lng po kuya.


Marami nga sa mga netizens ang naglabas ng kanilang saloobin sa latest prank na ginawa ng Tukomi brothers na nagngangalang Mark Hiroshi San Rafael at Mark Lester San Rafael.


Sila nga ay nagsagawa ng isang kidnap prank na isinagawa noong April 6 sa Las Penas. 


Makikita nga sa video na ginawa nila ang filming nito sa isang mataong lugar, namakikita din sa video ng magsimula na ang kunwaring pagkidnap ay nagsigawan na ang mga tao at nagtakbuhan dahil akala nila tunay ang nangyayaring iyun.


Ngunit maya-maya lang ay may na alarmang isang matandang lalaki na nakasibilyan na nakasuot ng puting damit at naka shorts.


May dala itong baril at sila ay tinutukan, mapapansin nga sa video na kinasa na nito ang dalang baril at handang-handa na nga itong magpaputok kung nagkamali ng galaw ang inaakala nitong totoong mga kidnaper.Sabay sigaw ng "Put@ng ina niyo pulis to."


Mabuti na lamang sa puntong iyon ay agad silang naka sigaw ng prank lang po ito kuya, at paulit-ulit nila iyong isinigaw hanggang sa mahimasmasan si kuya na kalaunan ay napag-alamang na isa palang tunay na pulis.


Ayon sa polisya ay pormal ng sinampahan ng kaso ang Tukomi Brothers.


Samantala, nagsalita na din ang dalawang vlogger na ito sa kanilang social media accounts, at dito nga ay ipinahayag nila ang pagka bigla at takot matapos na matutukan ng baril.


Ayon pa sa kanila na maraming beses na daw sila nga prank pero ngayon lang daw sila nakaranas ng ganoon, hindi naman nila ikinaila na sa pagpaprank nila ay maraming beses na din silang na huhuli at muntik ng makulong per hindi pa daw umabot sa ganito na muntik na silang ma baril.


Mapapansin din sa Tukomi vlogger na tila sanay na sanay na sila sa pagharap sa mga kasong ganito.


Samantala, marami naman mga netizens ang hindi nagustohan ang ginawa nilang prank dahil tila nagbibigay sila ng ideya sa mga totoo umanong kidnaper, na maari umanong gawing excuse ang salitang prank upang matakasan ang mga police.





 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo