Tv host actor comedian na si Willie Revillame babalik na sa GMA 7, ito ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Matapos na ibulgar sa publiko ang nasagap na balita ng kulumnistang si Cristy Fermin hinggil dito. Ibinahagi niya ito sa kanyang programa na Cristy Ferminute.
Ayon sa kanyang nasagap na impormasyon ay si Willie Revillame ay posibleng bumalik na dawa sa kasuso nework, dahil nagpull-out na siya ng kontrata mula sa All TV.
Ayon pa sa kanya na kung magtutuloy-tuloy daw ito ay bhindi malayang magkatapat na naman daw ang Wowowin at Eat Bulaga sa magkaibang stasyon.
Ibinulgar din kasi ng kulumnista na go signal nalang daw ang hinihintay ng TVJ para umalis sa pamamahala ng TAPE Incorporated.
Ayon pa sa kanya na tatlong producer na daw ang nag-offer sa kanila, sa katunayan nga daw ay nagraoon na daw umano ng secret meeting itong si Tito Sotto sa mga producers na ito.
At handa daw ang mga ito na saluhin ang Eat Bulaga kung saan mang channel maisipan ng TVJ na lumipat.
Dagdag pa dito ay kinausap na din daw ng trio kung sino-sino ang mga taong sasama sa kanial kung sakali man na sila ay matuloy sa paglipat.
Deritsahan daw nilang tinanong ang mga host kung sino-sino sa kanila ang sasama, at mabilis daw na omu-o ang mga ito at walang gustong magpaiwan.
Kung matutuloy ito ay maaaring mawalan ng isang magandang show ang TAPE incorporated na talaga naman namayagpag ng matagal na panahon sa pag-ere.
Pero kung sa bagay naman daw ay nabanggit naman daw noon ni Bullet Jalosjos na gusto nila ng rebranding, at ito na nga marahil ang tamang panahon upang mabuhos nila ang kanilang kaalaman sa bagong show na kanilang ipapakilala.
Ngunit hindi pa klaro sa ngayon kung makikipagteam-up ba sila kay Willie Revillame, ngayong ito ay napapabalitang babalik na din sa GMA 7.
Ito din kasi ang mga naunang mga balibalita noon na napipisil umano ng mga Jalosjos na siyang papalit sa pagiging host ng TVJ, pero kalaunan ay ito naman ay kanilang pinasungalingan.
Ngunit ngayon ay tila nagkakaroon na ng linaw ang lahat at mukhang matutuloy na ang paghiwalay ng Eat Bulaga sa TAPE incorporated.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!