Xander Ford Ininggit Sa 300K Na Natanggap Ng Anak Ni Whamos Mula Sa Mga Ninong At Ninang

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens ang videong ibinahagi ng couple na sina Whamos at Antonette Gail.


Ibinahagi na nina Whamos Cruz at Antonette Gail ang unboxing video nila ng mga natanggap na pakimkim ni Baby Meteor sa binyag mula sa kanyang mga ninong at ninang.


Makikita sa video ang ilang mga mamahaling mga laruan at may nagbigay pa ng cash na umabot sa 300 thousand pesos. Ayon kay Whamos gagamitin nila ang pera sa pagbabayad ng insurance ni Baby Meteor.


Ang P100,000 ay mula umano sa ninang ni Baby Meteor na si Miss Glenda, CEO ng Brilliant Skin Essentials.


Samantala, hindi naman maiwasan ng ilang mga netizens na pakumparahin ang dalawang tatay na sina Whamos Cruz at Xander Ford na kamakailan ay nagpabinyag sa kani-kanilang mga anak.


Matatandaan na naging usap-usapan noon sa social media ang paniningil ni Xander Ford sa ninong ng kanyang anak na si Christian Merck Grey dahil hindi umano tinupad ng huli ang ipinangakong 349 thousand pesos na ibibigay sa binyag ng bata.


Ayon sa ilang mga netizens na magkaiba ang dalawang tatay dahil ang isa ay naghihintay lamang sa ibibigay ng mga ninong at ninang samantala ang isa ay naniningil pa in public.


May iba pang nagsasabing naiinggit umano ngayon si Xander Ford kay Whamos dahil ang kanyang iniyak-iyak sa social media ay nakuha ng walang tumulong pawis ni Whamos Cruz.


“Xander ford inggit much so, he left the group hahaha.”


“Nako po inggit n nmn si Xander niyan.”


“Iiyak nnman nyan si marlou cgurado. Bakit kc hindi pumunta mga ninang ninong edi sana daw mas malaki pa jan nakuha nya hahaha.”


“Hahahaha pnakamalupet k marlou 349k.”


“Malamang nito, may maiinggit na naman haha.”


Samantala, tila nakamit na naman ni Xander Ford ang hustiya sa kanyang pag-iyak sa social media dahil ibibigay na umano ni Christian Merck Grey ang hindi naman umano niya ipinangakong 349 thousand.


Pagpupunto ni Merck na ibinigay na lamang niya ang iniyakang pera ni Xander Ford dahil naawa na siya sa anak nito na nadadamay sa pambabash sa tatay na katulad ni Xander.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo