Zack Tabudlo Nagdidiriwang Ngayon Sa Gitna Ng Isyu Nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Tila dinedma lamang ng singer na si Zack Tabudlo ang mga paratang sa kanila ni Moira Dela Torre at tuloy lamang ang pagdidiriwang nito sa kanyang milestone na natanggap.


Kamakailan lamang, isiniwalat ni Lolito Go na bago paman nagkasala si Jason Hernandez sa pagsasama nila ni Moira, nais na ng huli na makipaghiwalay dahil may nakita na umano itong pamalit.


Ayon sa pagsisiwalat ni Lolito, na may nakita na umanong bago si Moira na tatawaging siyang 'Binibini' at makikipag 'dance in the rain' sa kanya.


Bagama't hindi naman binanggit ni Lolito ang pangalan ng lalaking tinutukoy napagtanto kaagad na si Zack Tabudlo ito base sa kanyang mga ipinahayag na clue.


Gayunpaman, tila wala namang reaction si Zack sa pagkakadawit muli sa kanyang pangalan sa naganap na hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Sa latest Facebook post ni Zack pinasalamatan niya ang kanyang mga taga-suporta dahil nakamit niya ang 8 million listeners sa Spotify.


“We made history again last night!! first ever filipino local artist to reach 8 million listeners on spotify. cannot believe we’re here. thank u all sm for the support all through out the years. all my love to you guys,” saad ni Zack.


“Wouldn’t be here without all of your support. breaking history again because of you. 8 million listeners all around the world. thank u thank u thank u. believe in yourself and get to that big dream of yours no matter wtf people say. i love you so much. will forever be grateful,” dagdag pa niya.


Sa kabila ng pagkakadawit sa isyu nina Moira at Jason Hernandez, nagdidiwang pa rin ngayon ang mga fans ni Zack at tila hindi na lamang pinapansin ang mga paratang ni Lolito Go.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo