Bong Revilla at Max Collins Very Unique Ang Paandar Maipromote Lamang Ang Sitcom

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely

Tila kinabog nina Senator Bong Revilla at Max Collins ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival nung Sabado, June 3, 2023.


Inikot nila ang tatlong lungsod para i-promote ang bagong action-comedy series ng GMA-7 na Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis.


Nag-motorcade sila sa Maynila, Caloocan, at Navotas, kaya naman halos inabot na sila ng gabi. Sa kabila nito, hindi naman sila nabigo dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng publiko.


Makakasama ni Sen. Bong Revilla sa nasabing teleserye sina Max Collins, Carmi Martin, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Bembol Roco, Jeric Raval, Nino Muhlach, ER Ejercito, Maey Bautista, Nikki Co, at Angel Leighton.


Bukod sa mga nabanggit may mystery guest pa umano sila na may malaking role sa kanilang teleserye. Ang mystery guest na ito ay may malaking pangalan rin sa mundo ng showbiz.


"Siya yung leader ng lahat na kalaban," pahayag ni Direk Enzo Williams nang tinanong ko kung ano ang role nitong si mystery guest.


"Pero may patikim na sa kanya sa early episodes. Somewhere in the middle, may patikim na sa kanya," dagdag pa nito.


"Iri-reveal na lang namin siya sa dulo. Pero everything will fall into this na ahh siya pala yun. Parang puzzle," pahayag naman ng headwriter na si Jojo Nones.


Ibinunyag naman ni Sen. Bong na marami pang mga artista na papasok sa kanilang teleserye.


 "Marami pang papasok, like si Jimmy Santos, bilang isang retired na pulis."


Malaki rin ang pasasalamat ni Sen. Bong Revillame sa mga natatanggap na suporta ng kanilang teleserye mula sa GMA.


Sabi pa ni Sen. Bong Revilla, na ang layon ng kanilang teleseryeng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay maiangat kahit paano ang hindi magandang imahe ng ilang kapulisan ngayon sa bansa sa gitna ng paglaganap ng ipinagbabawal na droga.


 "Itong Walang Matigas na Pulis, ito ang isang way na maibangon natin sila. Para makalimutan yung mga maduduming gawain nila, at unti-unti nating maibangon ang kanilang imahe.


"Tulungan natin silang makabangon, dahil hindi naman lahat na pulis ay masama. Marami pa ring magagaling na pulis na maaasahan natin."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo