Halos limang taon na ring pinaghahanap ng mga kapulisan ang dating aktor na si Eugene Tejada dating sa kasong pagpaslang na isinampa laban sa kanya.
Matataandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pangalan ni Eugene Tejada noong iniimbistigahan pa lamang ang kaso.
Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umano nakukulong si Tejada sa pagpaslang kay Frenil Bautista. Patuloy pa rin namang umaasa ang pamilya ng biktima na matamo nila ang matagal nang inaasam na hustisya laban kay Tejada.
Noong taong 2017, pumutok ang balita ng pagkakapaslang ng indie actor na si Eugene Tejada sa isang supermarket supervisor na si Frenil Bautista.
Napaslang ni Eugene Tejada ang office supervisor na si Frenil Bautista sa isang supermarket sa San Mateo, Rizal, noong November 22, 2017. Sa panhong iyon kasama ni Tejada ang kanyang live-in partner na si Mary Jane Malilin.
Napagkamalan ng indie aktor na hinipuan ni Bautista ang kanyang live in partner na si Malilin kaya binugbog niya ang biktima sa loob ng comfort room ng supermarket.
Subalit sa imbestigasyong isinagawa noon ng San Mateo PNP na si Senior Police Officer Wilmer Privado, napag-alaman na hindi ginawa ng supervisor ang ibinibintang ng Eugene Tejada.
Napag-alaman din sa nasabing imbestigasyon na hypertensive at diabetic si Bautista. Nahilo ito kaya hindi sinasadyang napasandal kay Malilin, pero inakala ni Tejada na binastos ng biktima ang live-in partner niya.
Inabangan umano ni Tejada si Bautista sa mismong comfort room ng supermarket at doon binugbog hanggang sa mangisay.
Hindi na umano nakausap ng mga pulis si Bautista dahil sa labis na pagkahilo nito. Agad na isinugod sa hospital si Bautista subalit nahuli na ang lahat. Na-coma si Bautista hanggang sa tuluyan nang mabawian ng buhay.
Samantala, hanggang ngayon ay patuloy parin nakakalaya si Tejada dahil natatago na ito sa batas. Bagama't may warrant of arrest na ay hindi naman ito mahagilap.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!