Diego Loyzaga May Anak Na, Sino Ang Ina?

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan at kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media sites ang larawang ibinahagi ni Diego Loyzaga kung saan makikitang may karga-karga siyang bagong silang na sanggol.


Sa caption ng kanyang post, ipinahaygag niyang ang kinakargang bata ay ang best birthday gift.


Hindi naman nilinaw ni Diego Loyzaga kung sariling anak ba niya ang sanggol na karga at kung sino ang ina nito. Subalit, kapansin-pansin sa comment section ng kanyang post ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities.


Maging ang kanyang inang si Teresa Loyzaga ay nagkomento rin at inamin proud lola siya.


"Yahooooo!! Glam-Ma Lola in the house!!! Mwah! Love u anak @diegoloyzaga ! Love you my “Pochola”


Matatandaan na lumikha ng ingay noong nakaraang taon ang paghihiwalay nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Una nila itong itinago sa publiko subalit kalaunan ay inamin din ng dalawa na tuluyan na silang naghiwalay.


Hindi naman nila sinabi ang dahilan ng kanilang hiwalayan at sa pagkakaroon ngayon ng anak ni Diego, sakali mang anak nga nito ang sanggol, mahihinuhang ito ang totoong dahilan kung bakit natuldukan ang relasyon noon ng dalawa.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng official statement si Diego Loyzaga at hindi pa opisyal na pinakilala ang sanggol na karga-karga.


Inaabangan rin ngayon na ipakilala ni Diego Loyzaga ang ina ng bata.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo