Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at mga entertainment sites ang agawan ng mga Jalosjos at TVJ sa kung sino ang mas may karapatan na dalhin ang pamagat ng longest running television show na Eat Bulaga.
Samantala, nagbigay na ng pahayag ang isang abogado at sinabing mas may karapatang dalhin ng TVJ ang pamagat ng Eat Bulaga kaysa sa mga Jalosjos.
Magandang balita ito para sa TVJ, dahil hindi pa rin mahihiwalay sa kanila ang Eat Bulaga sa kabila ng kanilang pakikipagkalas sa kanilang production company na TAPE Inc.
Ayon sa isang intellectual lawyer, maaring gamitin ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga sa kanilang magiging show sa TV5. Maari umano nila itong gamitin ng malaya na walang poproblemahing legal.
Ipinahayag din nito na walang karapatan ang TAPE Inc. na pigilan ang TVJ sa paggamit ng pamagat ng Eat Bulaga. Hindi rin umano maaring kasuhan ng TAPE ang TVJ dahil dito.
Wala umanong karapatan ang mga Jalosjos na pigilan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na pangalanan ang kanilang show sa TV5 ng Eat Bulaga dahil kung pagbabasehan ang inirehistrong trademark ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga ay para lamang umano ito sa mga goods at merchandising at hindi sa entertainment.
Kung sakaling, pumabor naman kay Joey De Leon at mapapatunayang siya talaga ang nakaisip ng pamagat na Eat Bulaga, mapipilitan ang mga Jalosjos na palitan ang pamagat kanilang show sa GMA7.
Dagdag pa nito, maaring kasuhan ni Joey De Leon ang TAPE Inc. sa illegal na paggamit nito sa pamagat ng Eat Bulaga kapag naaprubahan na at napatunayan na sa kanya talaga ang right ng 'Eat Bulaga' title.
Samantala, marami naman sa mga fans ang nasiyahan sa balitang ito dahil ang pamagat lamang naman umano na Eat Bulaga ang nagdadala sa show kaya nakakakuha pa rin ito ng ratings.
Tiyak din umanong babagsak ang show ng mga Jalosjos kung papalitan na nila ito ng pangalan dahil wala na ang Eat Bulaga na nakakabit sa mga ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!