Isko Moreno Magiging Regular Host Ng Eat Bulaga

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Nagpahiwatig si dating Manila City Mayor Isko Moreno na magiging regular co-host siya ng Eat Bulaga pagkatapos ng kanyang guest appearance noong Sabado, June 10.


Sa Saturday episode ng rebranded Eat Bulaga, ipinakilala bilang guest host  si Isko Moreno na nabigyan ng sariling segment na pinamagatang "G sa Gedli" kung saan kasama niya si Buboy Villar.


Namigay sila ng cash prize sa ramdom people na na tiyempuhan nila sa Marcos Highway, Cainta.


Ayon pa kay Isko Moreno, nag-eenjoy siya sa pagiging host ng Eat Bulaga kaya babalik siya rito sa darating na lunes.


“Ang dami mong sinasabi, Yorme. Ikaw ba, nandito ka sa Lunes?” pagtatanong pa ni Paolo Contis kay Isko Moreno.


Bukod sa pagkakaroon ng sariling segment, muling nagpakitang gilas si Isko Moreno sa pagsasayaw ng kanyang hit 90s dance na minsang ginamit rin niya sa kanyang nakaraang pangangampanya.


Sa kabilang banda, ipinahayag ng ilang mga netizens na isang wise decision ng TAPE Inc. ang pagkuha bilang host ni Yorme dahil baka ito umano ang makatulong na pataasing muli ang bumabagsak nang rating ng Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo