Sa edad na 46, tuluyan nang natupad ng actor-host, politician na si Jhong Hilario ang kanyang pangarap at pangako sa kanyang ina na makapagtapos sa kursong Political Science.
Marami naman ang natuwa sa tagumpay na naabot ni Jhong Hilario dahil naipagsabay niya ang kanyang career, pagiging ama at ang pag-aaral. Bukod rito, nagtapos si Jhong sa kolehiyo bilang isang Magna Cumlaude.
Sa isang panayam kay Jhong Hilario, labis niyang pinasasalamatan ang kanyang mga magulang at mga taong sumuporta sa kanya.
Nagbigay rin si Jhong ng mensahe para sa lahat na nangangarap na tuparin ang kanilang pangarap na makapagtapos sa kabila ng pagkakaroon na ng pamilya.
“Sa lahat ng gustong makapagtapos ng pag aaral kahit late na katulad ko. Meron talagang pagkakataon, paraan para gawin ito kahit sobrang busy tayo––time management lang. For me, napakaiksi ng buhay para walang gawin,” mensahe ni Jhong.
Naging insprasyon din si Jhong Hilario sa lahat dahil hindi niya kinalimutan ang kahalagahan ng pag-aaral sa kabila ng kanyang regular na trabaho bilang host ng It's Showtime at sa pagiging ama sa kanyang anak na si Sarina.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Jhong na ang kanyang diploma ay alay niya sa kanyang mga magulang. Ipinahayag din ni Jhong na walang mga magulang na hindi nagnanais na magtagumpay ang kanyang mga anak.
“Ito yung bayad ko sa utang ko sa mga magulang ko. Lahat ng parents, ang gusto ay makapagtapos sa pag aaral ang anak nila. Lahat ginagawa nila––nagtratrabaho sila ng marangal para makapagaral ng mga anak. Ito na yun, kahit na late na at the age of 46, at least buhay pa parents ko.”
Marami naman sa mga fans ni Jhong Hilario ang bumati sa kanyang bagong achievement. May mga nagsasabi pang isa si Jhong sa mga nagpapatunay na hindi hadlang ang edad, trabaho at pagkakaroon ng sariling pamilya sa pagtupad ng pangarap.
May bagong sorpresa sa fans sina Belle Mariano at Nadine Lustre.
— TV Patrol (@TVPatrol) June 14, 2023
Samantala, natupad naman ang pangarap ni Jhong Hilario na maka-graduate sa kolehiyo. Nagtapos din ang "It's Showtime" host bilang magna cum laude.
BASAHIN: https://t.co/WhBr6ULAbA pic.twitter.com/wru42ryrUG
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!