Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang kumakalat na video ni Lilet, na dating mukha ng coca-cola at ang kumata ng "kaibigan lang pala at kahit bata pa ako" na sumikat noong 80's.
Sa TikTok account kasi ni Lilet ay kinanta niya ang Theme song ng Voltes V, at talaga namang hinangaan siya ng maraming netizen sa kanyang version sa pagkanta ng nasabing Theme song.
Ayon naman sa mga naging reaksyon ng mga netizens ay dapat pala daw ay nagpa-audition muna ang GMA7 sa pagpili sa dapat kumanta sa Voltes V.
Para makita kung sino yung masbagay kumanta at yung the best talaga.
Napansin kasi ng mga netizens na mas malapit o sobrang lapit daw kasi ng version ng kanta ni Lilet kay sa kay Julie Ann San Jose ng kinanta nito ang Theme Song ng Voltes V.
Ayon kasi sa mga netizens na mas malapit daw kasi sa original ang boses nitong si Lilet, at talagang napakasarap paring pakinggan.
Maganda parin naman daw ang version ng pagkanta nitong si Julie Ann, pero iba parin daw ang version ng boses ni Lilet na kung papakinggan mo ng maigi ay tila siya mismo ang kumanta ng original na kanta ng Voltes V.
Sa ngayon si Lilet ay nagkakaroon ng livestreaming sa kanyang TikTok Account, kung saan ay ibinahagi ito ng isang Facebook page na si Danz Speaks.
Ayon sa pahayag nito, "Beteranang singer Lilet, hinangaan sa TikTok sa pag-awit ng theme song ng Voltes V; mas maganda raw ang kanyang version."
"Remember Lilet? Ang former member ng defunct show ng Master Showman ang the late German "Kuya Germs" Moreno na "That's Entertainment." Kilala siya noon bilang The Muse of OPM."
"Tukso sa kanya noon ang pagiging Maria Clara sa nasabing show. Minsan ding naging pride ng Pinas nang manguna siya noon sa international commercial ng Coke kasama ang ibang mga lahi. Inawit niya dito ang "Tomorrow's People," na shinoot sa Liverpool, England."
"Nakaka-amaze lang na mapanood siya muling kumakanta sa Tiktok niyang "Lilet Esteban Singer/Actress." Marami ang nakapansin ang mas maganda niyang version ng theme song ng "Voltes V." Kaya sabi ng netizens sana siya na lang daw ang umawit ng "Voltes V no Uta." Walang kupas pa rin ang boses."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!