Karla Estrada Humingi Ng Paumanhin Sa Pagkakamali Sa Kanyang Background Music

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


 Humingi ng paumanhin ang celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang paggamit bilang background music sa kanyang Instagram reel ang themesong ng mga NPA.


Ang mga NPA ay isang grupong sandatahan na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) at itinuturing na mahigpit na kalaban ng gobyerno.


Nagflex si Karla Estrada ng kanyang mga larawan kung saan nakasuot siya ng Army uniform, ipinahayag din niya sa caption na nakapasok siya bilang army reservist.


Agad na umani ng reaksyon ang nasabing post ni Karla, may ilan pang hayagan siyang pinagsabihan sa ginamit niyang background music.


Binura naman ni Karla ang kanyang post subalit nakakuha na ng mga screenshot ang ilang mga netizens at kumakalat na ngayon sa ilang mga social media platforms.


Matapos makatanggap ng kaliwa't-kanang pambabatikos, naglabas na pahayag si Karla Estrada at humingi ng paumahin sa kanyang pagkakamali.


Nilinaw din ni Karla na hindi niya alam na ang kantang iyon ay ginagamit pala ng mga NPA.


“Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts tungkol sa aking intensyon na maging isang Philippine Army Reservist.


"Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan."


Taus-puso rin siyang humingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng mga taong naapektuhan sa kanyang pagkakamali.


"Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel.


"Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito."


Nilinaw pa ni Karla na noon paman ay malinis na ang kanyang intensyon na makapaglingkod sa bayan at sa lahat ng mga Pilipino.


"Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan.


"Muli, humihingi po ako ng paumanhin. Salamat po."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo