Sa pag-alis ng dating Eat Bulaga hosts na TVJ at ng JoWaPao, nagkaroon ng panibagong trio ang Eat Bulaga sa katauhan ng mga bagong hosts na sina Paulo Contos, Betong Sumaya at Buboy Villar.
Agad namang nag-isip ang ilang mga netizens kung ano ang nababagay na itawag sa panibagong trio ngayon ng Eat Bulaga.
Matatandaan na marami ang umaasang ipapamana ng legendary trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) ang Eat Bulaga kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros o mas kilala bilang JoWaPao.
Subalit dahil sa nangyaring internal conflict sa Eat Bulaga, magkasunod na nagresign ang mga nasabing trio. Kaya naman sa pagpapatuloy ng Eat Bulaga, nakaroon ito ng mga panibagong hosts na pinili mismo ng TAPE Inc.
Ngayong may bagong trio na ang Eat Bulaga, nagsulputan ang iba’t ibang word coinage ng pangalan ng tatlo upang ipantapat sa TVJ, at kahit doon man lamang ay magkaroon daw sila ng sariling tatak.
May mga nagmungkahi na tawaging PBB ang panibagong trio ng Eat Bulaga subalit ang PBB ay ginamit na ng ABS-CBN sa sikat na yellow house ni Kuya, Pinoy Big Brother.
May mga nagmungkahi rin na tawagin silang “PaBeBu” (word play ng Pabibo) o mula sa unang pantig ng mga pangalan nila.
Subalit may mga nagsasabing mas bagay at nararapat na tawaging “BuLoTong” ang panibagong trio ng Eat Bulaga mula sa Bu ni Buboy, Lo ni Paulo, at Tong ni Betong.
Sa kabilang banda, wala pang opisyal na ipinahayag ang pamunuan ng TAPE kung ano ang nararapat na itawag sa panibagong trio ng Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!