Tila hindi pa rin humuhupa ang inis ng mga netizens sa mga Jalosjos sa pagpapaalis umano ng mga ito sa mga original Eat Bulaga host sa pangunguna ng TVJ.
Kaya naman maging ang pumalit sa mga ito bilang Eat Bulaga hosts ay binabatikos na rin ng mga netizens. Kinukumpara pa sila sa mga naunang Eat Bulaga hosts at pilit na hinahanapan ng maipipintas.
Samantala, tila hindi na nakapagtiis ang rumored girlfriend ni Mavy Legaspi at Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Naglabas na siya ng pahayag at dinepensahan ang mga bagong host ng Eat Bulaga.
Ipinunto niyang naroon lamang ang mga ito para magtrabaho kaya naman, napaka-unfair na binabatikos din ang mga ito.
“Work is work. They are just all there to work. They have so much respect for the TVJ and the original hosts. ’Cause malaki po silang parte ng mga buhay ng bawat Pilipino dahil nakatulong sila, nagpapasaya sila and now mako-continue pa po iyon, e.
“So, I’m really happy kasi I’m a fan of Eat Bulaga!”
Iginiit pa ni Kyline Alcantara na wala namang masamang intensyon masama sina Mavy at maging ang mga kasamahan nito sa show na sina Cassy Legaspi, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, at Alexa Miro.
“Alam ko naman po yung isa sa mga rason niya kung bakit niya tinanggap ito kasi gusto niya pong mag-improve sa isa sa mga talents niya, which is hosting.
“And I’m just so proud of him and I know Mav. Grabe talaga respect niya, of course, sa original hosts, and same with me dahil nakasama ko po sila.”
Nagbigay rin ng mensahe si Kyline Alcantara para kay Mavy Legaspi sa gitna ng natatanggap nitong bashing sa pagiging host ng rebranded Eat Bulaga.
“As long as you know your intention, as long as you know your purpose doon sa show na yon, just keep going.
“As long as alam mong wala kang inaapakang tao, and alam mo naman sa sarili mo na you have respect and wala kang papalitan. Kasi hindi mo sila mapapalitan, e. They’re icons already."
Samantala, nauna nang naiulat na suportado nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang desisyon ng kanilang kambal na tanggapin ang offer ng TAPE Inc. at maging host ng rebranded Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!