Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Marjorie Barretto ang ginawa ni Gerald Anderson sa kanya noong baguhan pa lamang ito sa showbiz.
Binalikan ni Marjorie Barretto ang unang pagkikita nila ni Gerald Anderson noong baguhan pa lamang ito sa mundo ng showbiz.
"Many years ago, baguhang artista ka pa lang o hindi ka pa artista, kakalabas mo pa lang sa Pinoy Big Brother. I was in ABS-CBN, hinihintay ko yung sundo ko."
Sa panahon umanong iyon ay hindi na active artist si Marjorie kaya naman hindi niya alam kung kilala na ba siya noon ni Gerald.
"Baguhan pa lamang si Gerald noon, he was with a group of people. Ako, nag-iisa lang habang hinihintay ang car."
Pagbabahagi pa ni Marjorie na sa lahat ng mga taong naroroon ay si Gerald lamang ang siyang lumapit sa kanya. Nilapitan umano siya ng aktor upang batiin ng good evening dahil papagabi na nung panahong iyon.
Sinagot naman ito ni Gerald at sinabing kahit hindi niya kilala noon ng personal si Marjorie Barretto ay mukha naman itong artista at ganun talaga umano ang kanyang pagkatao, bumabati sa kanyang mga nakakasalubong.
Ayon pa kay Marjorie, naantig ng pagbati ni Gerald ang kanyang damdamin dahil ito lamang ang bumati sa kanya noong mga panahong iyon.
Tumatak umano kay Marjorie Barretto ang ginawang paggalang sa kanya at ang pambabaliwala naman ng mga kasamahan nito.
Dahil dito, tila naging madali na kina Marjorie na tanggapin si Gerald bilang boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto. Nakatulong din umano ito sa pagiging mas close nila sa isa't-isa.
Samantala sa isang bahagi ng kanilang usapan, ipinahayag ni Marjorie na isang mabuting impluwensya si Gerald sa kanyang anak at nobya nitong si Julia Barretto.
Ayon kay Marjorie, si Gerald ang naging mentor ni Julia sa pagnenegosyo. Hindi rin umano niya nakitang may malaking pag-aaway ang dalawa.
Malapit din umano si Gerald sa iba pa niyang mga anak, subalit mas close ito sa bunsong si Erich. Si Gerald umano ang tumulong sa kanilang bunso na mawala ang lahat ng mga fears nito sa mga bagay na hindi pa nito nasusubukan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!